I
No place for 778
Third person's POV
HOURS AFTER EPILOGUE OF BOOK 2
Sa isang iglap ay nabitawan ni Churchill ang basong puno ng mainit na kape dahilan para bumagsak ito sa mesa at magtalsikan ang laman nito sa kanilang tatlo nila Shem at Mira na nagsasalo sa iisang mesa. Nagpulasan at agad na nagsigawan sina Shem at Mira, taliwas kay Churchill na animo'y wala sa sarili habang nililibot ang kanyang paningin.
Pinagtitinginan na sila ng mga taong nasa loob rin ng hospital canteen pero hindi nila ito alintana o pinapansin man lang.
"Manner-less shithead." Walang emosyong bulalas ni Mira na agad kumuha ng mga table napkin upang mapunasan ang kapeng tumapon sa mesa at sa damit-pantulog na hanggang ngayo'y suot parin niya.
"Gago! Tumulong ka nga dito!" Bulyaw naman ni Shem na agarang tinulungan si Mira. Pero kapwa sila natigil sa ginagawa nang bigla na lamang nilang mapansin ang pag-alis ni Churchill sa canteen na tila ba may hinahanap.
"Ano bang problema niya?" Mahinang sambit ni Shem.
Kapwa naguguluhan, agad na sinundan nina Shem at Mira ang kaibigan at lalo pa silang nabagabag nang makita si Churchill sa walang katao-taong pasilyo, aligaga habang nililibot ang paningin.
"Narinig niyo ba 'yon?" Tila ba wala sa sariling sambit ni Churchill sabay kuha ng kanyang cellphone at may muling tinawagan.
"What?" Naguguluhang sambit ni Mira.
"Churchill kanina ka pa diyan sa cellphone mo, mamaya ka nalang makipag-kulitan sa mga textmate mo. Respeto nalang natin kay Dana." Nanlulumo namang sambit ni Shem pero laking gulat nilang dalawa nang bigla na lamang umiling-iling si Churchill at sinapo ang kanyang noo na animo'y labis na ang nararamdamang pag-alala at pagkabalisa.
"Hindi niyo ba narinig yung boses ni Wacky kanina? Tinatawag niya ang mga pangalan natin?" Bulalas ni Churchill at dahil dito ay muling nagkatinginan sina Shem at Mira.
Umiling-iling na lamang si Shem, "Anong boses? Eh ang tahimik nga ng canteen at kahit tayo ni hindi nag-uusap. 'Wag mo na ngang alalahanin yang si Wacky, mag-rereply at susulpot rin yan ano mang sandali mula ngayon. Baka masyado ka lang nap-praning—"
"The skunks are gone and everything is now okay!" Biglang bulalas ni Mira kaya agad na napatingin sa kanya sina Shem at Churchill. Kapwa natahimik ang dalawa nang makitang muli na namang umiiyak si Mira.
"N-nagising tayo kanina na okay ang lahat... Nagising tayong lahat na parang isang panaginip lang ang mga nangyari. Gaya ng sabi ni Cielo kay Raze, nagising tayong lahat maliban lamang kay Dana kasi nagsakripisyo siya para lang maging okay ang lahat! Dana sacrificed her own soul so that everything will be okay, therefore everything should be okay! Okay ang lahat! Hindi namatay si Dana para sa wala kaya okay ang lahat!" Humahagulgol man naglakad na lamang si Mira palayo, pabalik sa morgue kung saan naroroon parin ang bangkay ng kaibigan.
BINABASA MO ANG
Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)
Horror"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa taas! Yung mga nandun, hindi na sila tao at hinding-hindi sila titigil hanggang sa mapatay nila tayong lahat!"