III.
The Biggest Skunk
Cielo
"C! C! C! Omg omg omg!" Nakabibingi ang tili ni Dana habang niyuyugyog ang balikat ko kaya napangiwi na lamang ako.
"Sis, aside from those 4 letters siguro naman may iba ka pang nalalamang alphabet diba?" Natatawa kong biro sa kanya.
"Eeee! Si Raze kasi sabi niya lumabas ka daw ng classroom! Kenekeleg eke!" Pangingisay pa ni Dana habang humahagikgik. Lecheng babae, ang ganda sana pero walang pake sa kilos niya. Wala siyang pake kahit magmukha siyang baboy na kinakatay. Yeah, she's weird and I love her.
"Raze? You mean that dude named Ramonsito Razon?" Pigil na pigil ako sa pagtawa, baka mamaya marinig pa ako.
"Hala! Don't be mean! Ang pogi kaya--" Natigil kaming dalawa ni Dana sa pagchi-chismisan nang mapansin naming mukhang may umiiyak na. And as usual, si Mira na naman. Pinapalibutan na naman kasi siya ng mga bullies, yung mga chakang nagre-reynahan sa classroom to be specific.
Tatayo sana ako para mamagitan pero pinigilan ako ni Dana.
"Let's not get involved please? Baka mamaya pagdiskitahan rin tayo ng mga yan." Pakiusap niya habang nakadikit ang mga palad kaya napabuntong-hininga na lamang ako.
I know Dana. Dana can be a control freak lalo na kung hindi nasusunod ang gusto niyang mangyari kaya nanatili na lamang ako sa kinauupuan ko. Dana is like a sister to me. She can be a pain in the ass but that's just the way she is. We've been friends since we were kids and I really hate fighting with her.
"Sa tingin mo mangkukulam talaga siya?" Bulong sakin ni Dana.
"She lives in the cemetery, that doesn't make her a witch. Bakit, yung mga nakatira malapit sa simbahan, sa tingin mo santa at santo silang lahat? Does living near a sacred place automatically makes them holy?" Tanong ko.
"Cielo, nakatira ka malapit sa simbahan." Paalala niya habang nakangiwi.
"Yeah and so does my Grandpa. Baka nakakalimutan mo, may sa demonyo ang lolo ko." Paala ko pa.
"Oh come on," Nakangiwing sambit ni Dana saka napakamot sa ulo niya, "Cielo naman hindi ka parin ba nakaka-move on? Cielo your grandfather is not a member of a cult. Siguro may bonfire lang talaga sila ng barkada niya noong nakita natin sila noong mga bata pa tayo." Giit ni Dana. See, this is Dana. She's too much off a girl, kikay kumbaga. Walang inatupag kundi pagpapaganda at pagsho-shopping pero deep down super talino niya at ayaw lang niyang ipangalandakan. She's a woman of Science and she doesn't believe in supernatural things.
"Barkada? You serious? Si Lolo ang pinag-uusapan natin dito. Dana naman, pareho nating nakita na ginilitan nila ng leeg yung manok tapos ininom nila agad ang dugo habang umuusal ng latin prayers." Paalala ko kaya muling napangiwi si Dana.
"Kailangan mo ba talagang ipaalala sakin 'yon?" Aniya kaya natawa na lamang ako.
Muling bumalik sa kasalukuyan ang isipan ko nang muli kong marinig ang mga palahaw ni Harper. Nagbabalik-tanaw na naman pala ako sa nakaraan.... Noong okay pa ang lahat.. Noong okay pa ang buhay ko.
“Mira!” Panay ang paghikbi ni Harper hanggang umabot sa puntong hirap na hirap na siya sa paghinga kaya naman panay ang pagyakap ni Dana sabay himas sa likod niya.
BINABASA MO ANG
Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)
Horror"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa taas! Yung mga nandun, hindi na sila tao at hinding-hindi sila titigil hanggang sa mapatay nila tayong lahat!"