IV : Stakeout

90.8K 4.3K 1.7K
                                    

CHAPTER IV: STAKEOUT

DANA'S POV


"Oy ikaw, asan ID mo?"


Natigil ako sa paglalakad at para akong nagising sa reyalidad. Sa tagal kong nag-aaral dito sa Drayton, ito ang unang pagkakataon na hinarang ako ng guard bago makapasok sa campus.


Nanatili man akong nakatitig sa sahig, napahawak naman ako sa dibdib ko at napagtanto kong ako nga ang sinisita campus security guard. Asan ang ID ko? Malay ko ba, di ko nga suot diba?—Hay, ang sarap mamilosopo kaso asan ang saysay ng pinag-aralan ko kung magiging bastos ako sa guwardyang gumagawa lang ng tungkulin niya?


Imbes na magtaray o mamilosopo, napabuntong-hininga na lamang ako at ngumiti ng tipid.


"Pasensya na po, hindi ko lang siguro—" Napasinghap ako sa gulat at napaatras.


"No! No! Mang Boris 'wag!"

Lumingon siya sa direksyon namin habang may ngisi sa kanyang naaagnas na labi. Tila ba nanunuya pa ito habang unti-unting iniaangat ang lupaypay na katawan ni Shem sa pamamagitan lamang ng paghawak ng ulo nito.

"Shem! Shem!!"

Gamit ang dalawang malalaking kamay, hinigpitan niya nang hinigpitan ang pagkakahawak sa ulo ni Shem hanggang sa umabot sa puntong pinipiga na niya ito.


"Hija okay ka lang?"


Napakalaki ng pangangatawan, kayumanggi ang balat, may kahabaan ang buhok at may pag-aalala sa kanyang pagmumukha. Ito ang Mang Boris na kilala namin mula noong highschool pa pero matapos ang mga nangyari, hindi ko na rin mapigilang matakot sa kanya.


Nakalimutan kong dito nga pala nagtat-trabaho si Boris paminsan-minsan, ito rin siguro ang dahilan kung bakit ayaw nang pumasok ni Shem.


"Hija namumutla ka? Okay ka lang?" Muli niyang tanong nang hindi ko masagot ang tanong niya.


Tumango-tango na lamang ako at napasulyap sa mga kamay kong nanginginig, "Uuwi nalang po ako."


"Naku 'wag na nga lang, pumasok ka na. Sayang naman ang pamasahe mo. 'Wag mo lang sasabihin na pinapasok kita." Nakangiti niyang sambit sabay kamot sa ulo niya kaya matapos magpasalamat ay dali-dali na akong pumasok at hindi na lumingon pa dahil alam kong maalala ko lang sa kanya ang labis na takot at kapahamakang dinanas namin sa kamay niya.


***


Pagbukas ko pa lamang sa pinto ay agad na akong sinalubong ng tingin ng lahat ng mga kaklase kong nasa kani-kanila nang mga booth at suot-suot ang mga headphones.


"Glad you could join us young lady." Sarkastikong bati sakin ng teacher kong matandang babae sa pagpasok ko pa lamang sa speech laboratory.


"Sorry ma'am." Binalewala ko na lamang ang mga tingin nila at agad inakyat ang maliit na hagdan patungo sa booth kong nasa pinakadulong bahagi ng silid.

Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon