XI : If I were you, I'd run like hell

96.4K 4.2K 4.9K
                                    


CHAPTER XI:

If I were you, I'd run like hell

DANA'S POV


"So long Botany!" Bulalas ko sabay sara ng laptop ko. I don't know why but I feel so relaxed after finishing my term papers and answering the online examinations my teacher prepared for me as a way to make-up for my absences. Aside from Cielo, science has always been a very good friend of mine—Sort of a stress reliever and I don't know why.


Napatingin ako sa sofa kung saan ako nakasandal at nakita kong nakahiga na rito si Pip na himbing na himbing na sa pagtulog. I've never liked kids since I'm an only child, but it's kind of fun to have someone to take care of.


Pip is the youngest son of the mayor. He's spoiled since birth and I'm pretty sure he was born with a silver spoon in his mouth. For sure he's not cut out to sleep on the sofa kaya tumayo na lamang ako para kargahin siya.


"Ako na."


Napabuntong-hininga na lamang ako nang bigla akong inunahan ni Wacky. May maliit siyang ngiti sa kanyang mukha na animo'y nagmamayabang kaya pabiro na lamang akong ngumiwi. I can't help but to recognize his clothes, it's the same as what he wore when we were being chased off by the skunks—Army green jacket, black shirt and adorably colorful socks. Unlike back then, his clothes no longer have blood or mud.


"Don't you dare drop him Wacky." Pabiro kong pagbabanta habang pinagmamasdan ang maamong mukha ni Pip na ngayo'y nakapatong na sa balikat niya habang yakap ito.


"Wala akong gagawing ikakapahamak niyo... ikapapahamak mo." Sabi niya at nang magtama ang mga tingin namin ay nalito ako... there was something with eyes... he seemed torn...sad.... suffering. I mean, his little gentle smile is there pero parang may mali.


Naninibago ako sa inaasal niya pero kahit ganun, kahit loko-loko si Wacky at parang siraulo, I know that he was a good person. I'm not sure kung ilang araw kaming nagkasama sa bangungot na iyon pero sapat ang mga nasaksihan ko para masabi kong mabuti siyang tao. Behind his crazy, perverted and childish actions lies a gentle personality with principles and undeniable care for the people around him.


Habang pinapanood kong umakyat si Wacky sa hagdan habang karga si Pip ay iba ang nararamdaman ko. Para akong nalulungkot na natutuwa na ewan. I mean seeing Wacky care for Pip is so cute that it gives me such a warm feeling but the way Wacky's eyes met mine, pakiramdam ko may mali.


Pumunta na lamang ako sa kusina at niligpit ang mga pinagkainan namin ni Pip. Naalala kong may bine-bake pa nga pala akong cake kaya naman agad kong nilapitan ang oven at pinagmasdan ang timer nito.


"Dana mali ako... Maari ko kayong masaktan."


Nagulat ako nang maramdaman ko ang mga brasong pumulupot sa bewang ko at kinukulong ako sa isang mahigpit na yakap. Mabibigat ang hininga at maiinit ang mga kamay, nanibago ako sa Wacky at sa ipinapakita niyang emosyon. Oo nga't nakita ko na siyang malungkot at nagluluksa pero iba 'tong pinapamalas niya ngayon. Niyayakap niya ako sa likuran at nakabaon ang mukha niya sa balikat ko pero sa kabila nito ay damang-dama ko ang matindi niyang kalungkutan.

Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon