DISPAREO 3
EPILOGUE (PART 2 OF 2)
END OF TRILOGY
DANA'S POV
"Takbo!!!"
Biglang sigaw ni Shem kaya nagsigawan na kami at nag-unahan patungo sa loob ng photobooth bago pa man kami maunahan ng iba. Panay ang tawanan namin lalo na nang mapagtanto naming sobrang liit lang pala ng espasyo sa loob nito.
Tulakan, hampasan, sigawan, tawanan; para kaming mga baliw habang pilit na ipinagkakasya ang sarili namin sa loob ng isang improvised photobooth na gawa lamang sa minipis at maliit na tent.
"Ang baho ng mga hininga niyo!" Pabirong sigaw ni Raze na nakasandal na talaga sa dulo dahil sa sobrang likot naming lahat.
"Kuya 'wag kang sumandal diyan! Guguho ang booth!" Natatawang sigaw naman ni Wena kay Raze.
"Tabi! Tabi! Mga pogi sa unahan!" Panay ang sigaw ni Churchill habang pinagtutulak kami, mapunta lang sa harapan mismo ng kamera. Karga-karga ni Churchill si Pip na tawa lamang ng tawa, walang pakialam kahit natatamaan na ang mga mukha namin.
"Churchill mauuntog ang bata sa camera!" Napasigaw si Mira nang kapwa magyukuan sina Churchill at Pip para lang maging sentro talaga sila ng camera kaso ang problema, panay parin ang tulakan namin.
"Hayop kayo! Ambibigat niyo!" Sigaw ko naman nang sinakyan ng mga damuhong sina Shem at Raze ang likod ko.
"My beautiful hair!" Sigaw naman ni Wena nang aksidente naming nahihigit ang buhok niya dahil sa sobrang dutdutan.
Pito kaming lahat dito sa maliit na booth; ako, sina Raze, Wena, Shem, Churchill, Mira at Pip. Lalo pang naglakasan ang mga sigawan namin nang nagsimula ang sunod-sunod na flash ng camera.
Pagod at pawisan kaming lahat nang lumabas mula sa photobooth. Mukha mang nanggaling sa suntukan at sabunutan, panay parin naman ang tawanan namin sa isa't-isa. Excited kaming lahat na pagmasdan ang mga litrato kaso napangiwi na lamang ako nang makita ang kalunos-lunos naming mga hitsura rito.
Our photos turned out to be catastrophic. On one picture, tanging ang mukhang-tanga lamang na ngiti nina Churchill at Pip ang nakuha, habang ang sa iba ay nakita na kaming lahat ngunit wala sa amin ang nakangiti. None of us even had our mouths closed kasi panay ang sigawan namin. We all looked so horrible, lalo na ako na magkanda-kuba na dahil sa dalawang ulol na pumatong sa likod ko. These catastrophic photos are perfect, I love them. Sayang nga lang at hindi namin kasama ang iba, asan ba yung mga 'yon?
"May hinahanap ka?" Biglang lumapit si Churchill sa akin ngumiti na parang timang. Hindi siya nag-iisa kasi panay ang pagbuntot ni Pip sa kanya. Jesus Christ, please don't let Pip become the 2nd Churchill. But then again, Churchill's a really smart and sensible boy so okay narin.
BINABASA MO ANG
Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)
Horror"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa taas! Yung mga nandun, hindi na sila tao at hinding-hindi sila titigil hanggang sa mapatay nila tayong lahat!"