CHAPTER THEME IS UP THERE :) HAPPY READING :)
NO TO SPOILERS
CHAPTER XXI
Nothing but a broken heart
CIELO
Bakit ba umabot ang lahat sa ganito?—Hindi ko maiwasang mapatanong ng paulit-ulit habang pilit na nagpapatuloy sa pagtakbo. Pagod na pagod na ako at hindi ko na matagalan ang sakit na nararamdaman sa buong katawan ko. Bukod sa lahat, pakiramdam ko'y bibigay na ang mga paa kong hinang-hina at labis ang pangangatog.
Past life, reincarnation o ano pang tawag diyan; akala ko noon kalokohan lang ito ng mga manunulat at mga taong malilikot ang imahinasyon, pero dahil sa nangyayari ngayon ay tila ba naging totoo para sa akin ang lahat.
Isang napakalaking palaisipan parin sa akin ang lahat. Marami akong hindi alam at gustong malaman, marami akong mga kasagutang hinahanap tungkol sa pagkatao ko pero siguro nga hindi ko na makukuha ang mga kasagutan dahil sa puntong ito'y huli na ang lahat.
Naramdaman ko ang tuluyang pagbagsak ng katawan ko sa kalsadang may bahid ng dugo. Napakasakit ng buo kong katawan pero sa kabila nito ay nakakaramdam ako ng ginhawa lalo pa't nakahiga na ako at nakatitig sa kalangitang madilim at ni-isang bituwin ay wala.
Napakatagal kong naghirap at naguluhan, pero sa kabila ng lahat masaya parin ako kasi may mga kaibigan akong pumrotekta sa akin hanggang sa huli; Si Raze, ang lalakeng minahal at pinrotektahan ako kahit pa alam niyang hindi ko naman kayang masuklian ang pagmamahal niya; si Dana na walang ibang ginawa kundi protektahan at ituring akong isang kapatid; At pati narin si Axel na kahit ngayon ko lang nakilala, naramdaman kong nabuo ang pagkatao ko dahil sa kanya.
"Hindi ka nila makukuha Cielo."
Nagulat ako ang bigla na lamang may kumaladkad sa akin dahilan para agad akong mapasinghap at magpumilit na gumapang palayo. Pilit akong kumawala sa pagkakahawak niya hanggang sa natagpuan ko ang sarili kong gumagapang hanggang sa makatayo.
Nagawa kong makahakbang ng iilan ngunit muli akong bumagsak sa sahig, hilong-hilo at wala nang lakas. Muli, naramdaman kong may kumaladkad sa akin sa pamamagitan ng marahas na paghawak sa mga balikat ko. Dahil wala ng lakas, hinayaan ko na lamang siyang kaladkarin ako patungo sa likod ng isang pader.
Paulit-ulit kong kinurapkurap ang mga mata ko. Paulit-ulit akong napapaubo hanggang sa maramdaman kong may tumakas mula sa bibig ko—dugo. Tuluyang bumitaw ang kumakadkad sa akin at narinig ko siyang suminghap ng suminghap na tila ba pagod na pagod dahil sa ginawa.
Bahagya akong dumapa at iniangat ang ulo ko nang sa gayon ay masilayan ko ang pagmumukha niya.
"T-teacher Emma." Hindi ako makapaniwala sa nakikita. Buhay siya... Si Teacher Emma, nakatayo sa harapan ko habang hawak ang isang kable. Humahangos man at lumuluha, matalim ang tingin niya sa akin na tila ba galit.
Oo naiintindihan ko na pumapatay silang mga skunks, pero hindi kabilang sa kanila si Teacher Emma. Duguan man siya at sugatan, malinaw parin sa akin na normal ang mga mata niya at walang kahit na anong marka sa leeg niya.
THIRD PERSON'S POV
Habang tinatakpan ang bibig ni Dana ay pikit-matang pinakiramdaman ni Shem ang paligid. Makalipas ang ilang sandali, nang mapagtantong wala na siyang yapak na naririnig ay unti-unti niyang ibinaba ang kamay.
BINABASA MO ANG
Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)
Terror"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa taas! Yung mga nandun, hindi na sila tao at hinding-hindi sila titigil hanggang sa mapatay nila tayong lahat!"