Chapter 2

7 2 0
                                    

Ang daldal ko! Ang dami ko na na-tweet ilang weeks palang ako sa rpw.





'Tomorrow's my exam! Can I get a good luck?'





Pagka-tweet ko no'n ay tumawa nang malakas si Reign. Nandito ako ngayon sa kwarto ni Reign at nagrereview kami. Exam week na kasi.





"Ano nakakatawa?" Tinaasan ko siya ng kilay at pinatay ang phone ko dahil magr-review na ulit ako.





"Ang bait mo tignan dito." Sabi niya habang tumatawa.





"Mabait naman talaga ako!" I rolled my eyes and continue reading. Mahihilo na ako kaka-irap! Silang dalawa ni Matty ang laging nagpapa-irap sa akin! May dadagdag pa ba?!





"Akala ko ba magd-doctor ka pa? Sumusuko ka na ba?" Sabi ni Reign nang makita ang reaksyon ko.





"Loka, 'di ko itutuloy 'yun. Parang gusto ko lang dati. Mag-aasawa na lang ako ng doctor." I winked kaya napatawa kami ng malakas.





"Uy same! Parang ang cute no'n! Flight attendant tapos doctor! Galing airport diretso ospital!" Pagi-imagine ni Reign kaya napalakas ang tawa namin. Mamaya magkatotoo 'yon! 'Yun nga lang, baka mamaya pagiging pasyente ang pinunta namin sa ospital after flight dahil kulang sa tulog!





"Gaga ka talaga." Agad kong kinuha 'yung phone ko para magthank you sa mga nag-good luck.





Bela : Good luck Celestine!

Athena : Good luck bff! You can do it!

Andrei: Good luck pre!

Chance : Good luck ate!

Jaise : Good luck po!





"Ang taray naman, motivated na motivated. Ako nga rin makapag tweet nga ng ganyan." Sabi ni Reign habang pinapanood akong magthank you sa mga replies.





Jaise sent you a message.





Jaise : Hi, Celestine! You're friends with Lallaine right?





"Huy! Hinahanap ka sa 'kin oh! Crush ka beh?" I laughed and showed Reign the message.





"Ay hala! Sino 'yan, omg. Replyan mo!" Sabi niya at kinikilig kilig pa. Wala pa nga e.





Celestine : Hey! Yes. Why?


Jaise : Crush ng friend ko 'yung best friend mo HAHAHAHAHAHA.





"Hoy! Taena mo! HAHAHAAHAHA. Crush ka raw nung friend. Hindi si Jaise." I laughed.





"Ay weh, tanong mo kung sino." Sabi ni Reign bago ko minessage ulit si Jaise at tinanong 'yung @ nung friend niya.





Binigay niya sa 'kin 'yon at sinabi ko kay Reign na i-follow at kausapin.





Jaise : I'm sorry sa istorbo. Si Cleo kasi e.



Celestine : Dinadamay pa tayo sa kaharutan nila e 'no HAHAHAHAH



Jaise : Oo nga HAHAHAAHAHAHA





Nag-usap pa kami saglit bago ako nagpaalam dahil kailangan ko pa magreview. Nag-good luck lang ulit siya sa 'kin bago nagpaalam.





The Missing ElementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon