"Ms. Legaspi, where's Ms. Cervantes?"
Napaangat ang tingin ko kay prof nang bigla niya akong tawagin. "Po?" Wala sa sarili kong tanong. Sobrang occupied ng utak ko.
"Where's Ms. Cervantes? She's your best friend, right?" She raised a brow, waiting for my answer.
Kumunot ang noo ko at napatingin sa paligid. Wala siya dito. "Yes po pero I have no idea. We didn't see each other po since yesterday."
Nasa'n ba 'yun? Hindi ko napansin na hindi pala siya pumasok dahil kanina pa ako nahihilo. Pinilit ko na nga lang pumasok dahil may exam kami ngayon.
"Bakit daw bumagsak?"
Napahinto ako pagkapasok ng bahay nang marinig 'yung pinag-uusapan nila Mama habang nanonood ng TV.
"Anong meron?" Curious kong tanong at napatingin pa kay Dein na nakatambay nanaman dito sa bahay.
"May airplane crash kahapon. Nirereport yung mga passengers na nawawala." Agad na kumunot ang noo ko nang marinig 'yon.
"Saan daw?" Umupo ako sa tabi ni Dein na kumakain pa ng ice cream habang nakikinig doon sa balita.
"Papuntang Thailand daw, e."
"Wait lang." Sabi ko bago umakyat sa kwarto at tinawagan si Reign. Shit. Naka-off 'yung phone niya.
Kahapon 'yung flight ng parents ni Reign papuntang Thailand.
In-on ko 'yung TV dito sa kwarto habang hinihintay 'yung sagot ni Reign. Tinatawagan ko siya ngayon sa telephone nila.
"Sumagot ka." Bulong ko habang minamasahe 'yung ulo ko. Kanina pa ako nahihilo.
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Mama nang makita niyang kinuha ko 'yung jacket ko sa upuan at inayos 'yung bag ko.
"Reign. 'Yung plane crash kahapon, 'yun 'yung sinasakyang eroplano ng parents ni Reign." Madaliang paliwanag ko at sandaling ipinikit ang mga mata ko dahil sa lala ng sakit ng ulo ko.
"Ha?" Gulat na tanong ni Mama. Hindi ko na siya nasagot pa at dali daling bumaba na lang. Napakunot pa ang noo nila Dein nang makitang nagmamadali akong bumaba. Hindi na ako nagpaalam dahil nagpaalam naman na ako kay Mama.
"Tal!"
Patuloy lang akong naglakad nang tinawag ako ni Dein. Hindi ko na napansin na naglalakad na siya sa tabi ko.
"Hatid na kita. Dun ba sa best friend mo?" Tanong niya. Tumango ako at nagdadalawang isip kung maglalakad na lang o magpapahatid pa kay Dein.
"Alis lang kami, Pa!" Paalam ni Dein sa Papa niya nang dumaan kami sa harap ng bahay nila para daanan 'yung motor niya.
Isinuot niya sa 'kin 'yung helmet bago sinabing yumakap sa kanya para hindi ako mahulog. Umiling ako at humawak na lang doon sa handle sa magkabilang likod ko.
Pumipikit na ang mata ko habang papunta kami sa bahay nila Reign. "Okay ka lang?" Sabi niya nang huminto kami sa harap ng gate nila Reign. Sinabihan ko siyang umuwi na dahil matatagalan ako rito. Tumango siya at sinabing siya na ang magsasabi kila Mama na matatagalan ako.
BINABASA MO ANG
The Missing Element
Dla nastolatkówA student in eighth grade, academically smart, loves to dance, joins pageants too. I tend to be loud and secretive. And one secret high school experience I had is that I joined RPW. Terran's the name of the man who made my life and RPW experience w...