"Kanino galing 'yan?" Tanong agad ni Reign sa 'kin nang mapansin niya 'yung paper bag na dala-dala ko. Hindi ko pa rin kasi binubuksan 'yung bigay ni Terran.
"Terran." Sagot ko. Katatapos lang ng last class namin kaya nandito na kami sa may bench, hinihintay namin 'yung mommy niya para sunduin siya. Wala na akong balak sumabay dahil sabi ni Terran magkikita raw kami.
"Buksan mo na! Patingin ako!" Sabi ni Reign at aagawin pa sana 'yung paper bag.
"Ayoko. Baka for my eyes only lang 'to." I joked. Napairap siya at hindi na inagaw sa 'kin 'yung paper bag dahil baka masira pa.
"Bye na, balitaan mo 'ko kung anong laman niyan ha!" She said before going inside her mom's car.
Naghintay pa ako makaalis sila bago ako naglakad lakad. Hindi ako minessage ni Terran kung saan kami magkikita. Mukha bang manghuhula ako?
"Hey."
Napatalon pa ako sa kinatatayuan ko nang bigla siyang sumulpot sa tabi ko. "Multo ka ba? Kung saan saan ka sumusulpot."
"No." Seryoso niyang sagot sa hindi ko seryosong tanong. His gaze went down to the paper bag I'm holding. Napakunot ang noo niya. "Hindi mo pa binubuksan?"
"Hindi pa. Malay ko ba, baka mamaya kailangan mo pala ma-witness 'yung reaksyon ko." Sabi ko kaya natawa siya bago umupo sa bench na nakita ko.
He took a seat beside me. I reached for the paper bag he gave me. Dahan dahan kong binuksan 'yon dahil ang daming stapler. Hindi na lang 'yung ribbon 'yung pinangtali niya!
"Alam mo naman birthday ko 'di ba?" Tanong ko habang ingat na ingat na binubuksan 'yung paper bag dahil nanghihinayang akong sirain.
"Yeah?" He raised a brow.
"At hindi 'yun ngayon. So para saan 'to?" Tanong ko at tinignan 'yung laman nang mabuksan ko na.
"Kailangan ba may occasion para magbigay ng regalo?" He asked making me laugh. Hindi lang ako sanay makatanggap ng just because gifts!
"Hindi naman." Sabi ko at unang kinuha 'yung color pink na hair clip. "Wow ha." Natatawa kong sabi at nilagay sa buhok 'yung dalawang hair clip na pink. In fairness, tamang shade ng pink ang pinili niya. Baby pink lang ang gusto kong shade ng pink.
"'Yan lang 'yung pink na maganda dun. 'Di ko type 'yung iba." He shrugged while watching me clip my hair. Inalis niya ang kamay ko at inayos 'yung pagkaka-clip sa buhok ko. "Cute."
"Ang cute." Sabi ko nang kinuha 'yung teddy bear na sobrang liit. Color pink din. Teka, nasabi ko ba sa kanya na hindi ako mahilig sa stuff toys?
"I know you don't like stuff toys pero nakita ko kasi and ang cute." He shrugged. Nakahinga ako nang maluwag nang marinig 'yon. Akala ko naman hindi siya aware.
"Teddy bear na galing sa 'yo lang tatanggapin ko! Kiligin ka!" Idinikit ko 'yung teddy bear sa mukha niya at ngumiti. Ang cute niya! 'Yung teddy bear I mean.
"Hala." Bulong ko nang makita 'yung maliit na color pink na box. Singsing ba 'to? "Magp-propose ka ba?" I joked.
"Siraulo ka talaga." Pagtawa niya at inagaw sa 'kin 'yung box nang buksan ko.
BINABASA MO ANG
The Missing Element
Teen FictionA student in eighth grade, academically smart, loves to dance, joins pageants too. I tend to be loud and secretive. And one secret high school experience I had is that I joined RPW. Terran's the name of the man who made my life and RPW experience w...