Chapter 26

5 1 0
                                    

"Dad wants to meet you."




Napalingon agad ako kay Terran nang marinig 'yon. Ako?! "Nagmeet na kami 'di ba?"







"Ah... kailan?" Kinakabahan kong tanong. Bakit ba ako kinakabahan?! Sabagay kinabahan rin naman ako noong una kong makita 'yung family niya.




"Within this week, habang hindi sila busy." He said making me nod. "Pumapayag ka?" Nanlaki ang mata niya nang tumango tango ako.




"Bakit naman hindi?" Sabi ko at tinawanan 'yung reaksyon niya. Bakit naman hindi ako papayag 'di ba?




"Magpapaalam na lang muna ako kila mama."




"Can I ask? What's that?" Turo niya sa mark na hiwa sa kanang kamay ko. Napatingin ako doon at naalala lang 'yung hapdi ng nakaraan.




"Ah, hiwa lang." Mahinang sabi ko habang tinitignan 'yung hindi na masyadong halata na mark ng hiwa.




"Hi, Ate!" Napatingin ako kay Elouise at kay Matty na naglalaro ng chess sa sala. Ganito ba date ng matatalino?




"Hi." Ngumiti ako sandali at hinanap si Mama. Sabi ni Matty, umalis daw. Pumunta na lang muna ako ng kitchen para kumuha ng pagkain bago umakyat.




Nagpalit ako ng oversized shirt at shorts bago humiga at hinintay si mama.




"Lia!"




Napababa ako nang marinig si lola na tinatawag ako. Pagkababa ko, nakita ko pa rin sila Elouise at Matty na naghaharutan doon. Ewan ko ba! "Harot." Mahina kong sabi nang napunta na ako sa kitchen. Hindi naman na siguro nila ako narinig.




"Bakit po?" Tanong ko habang nagluluto si lola. Wala pa rin pala si mama.




"Bumili ka ng sili dun. Naubos na pala." Sabi niya at inabutan ako ng pera.




"Ate, saan ka pupunta?" Tanong ni Matty nang makitang lalabas ako.




"Tindahan lang."




"Ang ganda mo, Ate. Pabili Coke." Nag-abot siya sa 'kin ng pera at ngumiti ngiti pa.




Napairap ako at lumabas na lang. ang bigat bigat pa no'n! Bakit kasi hindi siya 'yung bumili. Hay nako.




"Lia!"




Napalingon ako kay Dein na nakaupo sa gilid habang bumibili ako.




"Ilan?" Tanong nung babae.




"Five po." Sabi ko at nilingon ulit si Dein na bagong ligo pa ata at basa pa 'yung buhok. "Himala, naligo ka."




"Grabe ka naman!" Lumapit siya sa 'kin at sinilip 'yung binibili ko. Si Dein, matagal ko nang kaibigan dahil sa kabilang street lang naman siya. Classmates kami noong pre-school hanggang grade 6 kaso lumipat kasi siya noong nag high school na kaya hindi na kami gano'n kadalas nagkikita.




"Long time no see ah." Sabi ko at hinila 'yung buhok niya at nagpanggap na inamoy. "Anong ligo 'yan, beh? Wisik wisik lang ba?"




"Hoy! 'Wag ka nga! Ang bango ko kaya!" Hinila niya nang mahina ang buhok ko. "Ano 'yan? Adulting yarn? Marunong ka na magluto?" Itinuro niya 'yung sili na nasa harap ko.




The Missing ElementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon