Chapter 39 (Elouise's pov)

3 0 0
                                    

"Did she forget something, hon?" I asked Matthew when he got back inside the house. I saw Terran and Talia came back for a while.





"Ah, nakalimutan niya raw iwan sa 'tin 'tong mga susi ng condo niya." He shrugged and handed me the keys. Hinampas ko siya nang mahina. "Aray! Bakit? Sabi niya pag-isipan natin, e."





"I told you, nakakahiya 'no! Sobrang dami niya nang naibigay sa 'tin na regalo. Wala atang pasko o birthday natin ang wala siyang binigay na mamahaling regalo. Siya pa nga nagbayad ng Presidential suite ko nung nanganak ako!" I pouted. We didn't even get to pay her back dahil naging busy kami kay Renz. Halos mapuyat kami dahil 24/7 gusto dumede ni Renz!





"Hayaan mo na. Siya naman may gusto no'n. Tsaka, ang yaman yaman no'n. Wala rin naman kasi pinagkakagastusan kung hindi sarili niya lang o tayong family niya. That's her way para libangin 'yung sarili niya from the fact na ayaw niya nang magpamilya." Niyakap niya agad ako at binuhat papunta sa taas. "Tulog na si Renz, hon." He chuckled and started showering my face with kisses.





"Che! Mamaya na! Tutulungan ko maglaba si Tita Issa 'no! Grabe ka naman kasi sa pagpapalit ng damit ni Renz. Nasa bahay lang naman." Panenermon ko sa kanya.





"Sorry na ma'am. Galit ka agad. Sisihin mo Ninang Talia at Ninong Terran niya na kung makapagbigay ng damit akala mo ang daming katawan ni Renz." He laughed so hard making me hit him. I shushed him and pointed at Renz who's peacefully sleeping.







"Tita! Si Talia!" Nagulat kaming lahat nang dire-diretsong pumasok si Reign sa bahay habang kasalukuyan kong tinutulungan si Tita Issa maglaba.






"'Di ako makakapagdrive!" Nagpapanic na sabi ni Matthew. Napilayan kasi siya nung isang araw.





"Ako na! Kaso walang magbabantay kay Renz." Napamasahe ako sa ulo ko at dali-daling pinuntahan si Renz sa itaas. Natutulog pa. Agad akong bumaba at ibinilin na lang kay Lola at Reign si Renz tutal nakauniform pa siya and she can't go to the hospital wearing that.





Nang makarating kami sa ospital, nakita namin si Kuya Terran na nakaupo at nakayuko tila walang naririnig nang tawagin namin siya. "Terran." Tawag ng Mama nila Talia kay Kuya Terran. His clothes is still covered with blood stains as well as his hands.





"Nasa'n si Ate?" Tanong ni Matthew na nagpapanic at pinipigilang maluha. Umiling-iling si Kuya Terran nang paulit ulit siyang tanungin ni Matthew. I tried to stop him from yelling because I know nasasaktan din si Kuya.





"Dead on arrival." Hirap na hirap na sagot ni Kuya Terran at lalong lumakas ang pag-iyak.





"B-bakit? Anong nangyari?" Nanghihinang tanong ni Tita Issa. Napalapit ako bigla sa kanya nang muntik na siyang matumba pagkatayo niya.





"She got shot. Three bullets..." His voice broke. "We still can't find the man who did it." Kuya Terran explained. He covered his face as his tears kept streaming down his face.





I quickly went to Matthew when he fell on his knees. "Just cry it out." I whispered and caressed his back as he continued to sob on my shoulder.





I looked to my side and reached for Tita Issa's hand just so I could comfort her too. I was trying to hold back my tears. I wanted to be strong and not to burst out in tears too.





"I'm so sorry po." Paulit ulit na sabi ni Terran nang sabihin na namin kay Lola ang nangyari.





"Ay nako naman..." Napayuko si Lola nang malaman ang nangyari. "Jusko, nakangiti pa 'yon rito kanina bago umalis e..." Mahina siyang umiyak at tinakpan ang mga mata gamit ang kamay niya.





The Missing ElementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon