Chapter 8

8 1 0
                                    

"Hindi na kita masasamahan pauwi. Pinapapunta ako ni mommy sa office niya e. Sorry." Sabi ni Reign nang magsiuwian na sila Nate at Trina.





"Okay lang. Magb-book na lang ako ng grab." Sabi ko bago sinabihan siyang umuwi na.





Nagstay ako sa labas ng mall at umupo saglit sa bench. Walang kumukuha?! Gigil na ako ha! Inaantok din ako. Busog na busog ako at maya't maya ako sinusubuan ni Klyne. Ano ba nakain no'n? Did he miss taking care of me?





"Nasaan sila Reign?"





Napausog ako saglit nang may umupo sa tabi ko. Nilingon ko si Terran na nakatingin sa harap.





"Ako ba kausap mo?" Tanong ko kaya natawa siya saglit.





"May nakikita ka bang hindi ko nakikita?" Tanong niya at lumingon lingon pa sa paligid.





"Ewan ko sa 'yo." Napairap ako at hindi siya inintindi. Ayoko lang mag-assume 'no!





He stayed silent while watching my every move kaya inis ko siyang tiningnan. "Ano?"





"Nothing." He shrugged and looked away. "Do I make you feel uncomfy?" Tanong niya bigla. Mukha bang uncomfy ako?





"Uy hala hindi! Hindi... lang ako sanay sa presence mo sa personal." I chuckled. "Bakit 'di ka pa umuuwi? Nasa'n friends mo?" Curious kong tanong nang magtaka ako bakit siya nandito sa tabi ko.





"They're going to a party." Sagot niya kaya napakunot ang noo ko.





"O? Bakit hindi ka sumama?"





"I don't really like parties and crowded places sometimes. I easily get tired socializing with people." He scratched his head a little.





"Ah, oo nga." Napatango tango ako. Napag-usapan na pala namin 'to before. "Bakit 'di ka pa umuuwi?"





"Pinapaalis mo ba ako?" He frowned and looked at me.





"Hindi naman sa gano'n. Tinatanong ko lang e." Napairap ako kaya natawa siya.





"I saw you here, might as well spend a little more time with you." He shrugged and leaned his back against the bench.





"Uuwi na rin ako." Sabi ko habang inis na tiningnan ang phone ko at cinancel ang binook ko dahil malayo daw 'yung driver ayaw tanggapin amp.





"Do you have your car with you?" He asked.





"Bff, wala akong car. Wala pa nga akong license." I sighed making him nod a little.





"Ah, how old are you? If you don't mind me asking. Nagkita naman na tayo sa personal, so sabihin mo na." He chuckled. 'Di ko pa nga pala nasasabi sa kanya noon. Sabi ko tsaka na lang 'pag nagkita na kami.





"Secret walang clue."





"Damot." He pouted.





"8 years old." I joked.





"Ah talaga? Parang tanga." Sabi niya kaya napaharap ako sa kanya at sinamaan siya ng tingin.





"Mas tanga ka." Pag-irap ko at aalis na sana.




"Pano ka uuwi?"





"None of your business." Sabi ko.





"Best friend mo 'ko for 4 years, Talia. None of your business ka d'yan." Sabi niya kaya napaawang ang labi ko nang matamaan ng hiya.





The Missing ElementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon