Chapter 4

10 1 0
                                        

Buong week hindi kami nag-usap ni Jaise. Hindi na rin ako masyadong active sa rpw. Every day, every night, I was fighting the urge to message him. I know this is for my own good. To protect my heart.





Ituloy tuloy ko na kaya?





"Huy, babalik ka pa ba?" Pagtatanong ni Reign sa 'kin. Nandito kami ngayon sa may park sa school. Kakatapos lang ng final exam namin.





"Hindi ko alam e. Bakit mo natanong?" Sabi ko habang tinititigan ang huling conversation namin ni Jaise. Naghihintay ako ng message niya. Baka lang kasi mag-message siya pero wala e.





"Tinatanong sa 'kin ni Jaise. Kinakamusta ka niya. Wala ka daw paramdam. Sabi mo kasi for exams lang rest mo."





My eyes widened upon hearing what she said. Hinahanap niya ako? Napansin niya?





"Oh? Bakit nakangiti ka?" Tanong ni Reign nang makitang kagat kagat ko ang labi ko, pinipigilang ngumiti.





"Miss niya ako, Reign." Sabi ko habang nakangiti at tinititigan ang huling message niya sa 'kin bago ako nagrest.





"Oh? Akala ko ba si Celestine lang ang may gusto? Bakit parang pati ikaw? Si Celestine miss niya, hindi ikaw." She shook her head and pulled my hair a little.





"Kahit na 'no! Wala si Celestine kung wala ako, si Talia." Ngumiti ako at tumayo, tumalon talon sa harap ni Reign.





"Mukha kang tanga d'yan." Napailing iling si Reign habang tinititigan ako na tumakbo takbo sa park habang nakangiti. "In love nga naman." She chuckled.





Napasimangot ako at lumapit sa kanya nang marinig 'yung sinabi niya. "Anong in love?! Crush lang ni Celestine, okay?" I rolled my eyes. In love amp. Sinong mai-in love sa internet? Tsk.





It's currently 12 midnight. Gising pa kaya siya? Kanina ko pa iniisip kung ime-message ko na ba o hindi.





Celestine : Hii bff



Jaise : typing...





Agad akong napa-upo nang nakitang typing agad siya. Wala pa ngang 5 seconds na sinend ko 'yun?!





Jaise : Hey, I miss you so much.

Jaise : How are you?

Jaise : Kamusta exams?





Humiga ulit ako at niyakap nang ang unan ko. Kawawang unan, napanggigigilan ko. I bit my lower lip to stop myself from smiling. Argh! 'Yung puso ko!





Celestine : Okay naman! Pasado naman lahat! Ikaw? How are you?



Jaise : Natakot ako, love.

Jaise : Akala ko hindi ka na babalik.





Shit ano ba?! Bumangon ako at tumalon talon sa kama. Bakit naman kasi madaling araw pa?! Gusto kong sumigaw! Kinikilig ako, which is... new? Hindi naman ako madalas kiligin dati.





"Malapit na ulit pasukan, parang kailan lang kakasimula lang ng bakasyon." I sighed. Nandito ako ngayon sa bahay ni Reign. Dito ako nagbakasyon. May business trip kasi parents niya kaya sinamahan ko muna siya dito.





"Oo nga, 'di pa rin ako cina-crushback ng crush ko." Sabi ni Reign kaya napatawa ako ng malakas.





"Sino? Sa rp ba? O 'yung crush mo na classmate natin?" Tanong ko habang inaayos 'yung bag ko. Aalis kasi kami ngayon at maggogrocery kami. Pinayagan naman ako ni mama dahil napilit siya ni Reign.





The Missing ElementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon