Chapter 44

0 0 0
                                    

"May iba pa bang nakakaalam ng rp name ko bukod sa 'yo?" I asked Reign. It kept me up for days! Hindi ko alam anong mararamdaman ko. O kung tama ba 'yung pagkakaintindi ko kung sino siya...





"Huh? Wala naman... hindi ko naman binanggit 'yung pangalan mo kila Enzo... ang alam lang nila, may rp account tayo." She shrugged.





I pulled my hair in frustration because I really wanted to talk to him. I wanted to confirm it! But something is holding me back. It was shame. I'm ashamed of what I did. I was just... so tired back then. Tired of my thoughts. Tired of my what ifs about us. And I didn't want to bring him down with me. To drag him to the wrong path when his life back then was already close to his dream life.






"Hindi naman ganito ang dream life ko! Gusto ko magtrabaho sa eroplano, hindi gumawa gawa ng mga business projects!"





I shook my head and covered my ears. Kanina pa reklamo nang reklamo si Reign. Nandito nanaman kami sa café na 'to. Wala naman siguro siya rito. Dito ko kasi gusto dahil hindi masakit sa mata 'yung ilaw. Ang dali ko mahilo kapag masyadong bright 'yung lights.





"Hindi ka ba nas-stress?! Bakit nagbabasa ka lang d'yan?" She asked when she just saw me scanning my notes.





"Tapos na ako d'yan. Nung Monday pa." I nonchalantly said.





"Bukas pa naman deadline ah! Ang aga mo ha." She pouted and leaned her back against the chair.





"Of course. Magr-review pa ako para sa exam 'no." I rolled my eyes. Ang dami ko pang im-memorize. Punong puno na ang utak ko. Feel ko nga sasabog na 'yung ulo ko sa sobrang puno! Iniisip ko pa 'yung isa kung paano ako haharap sa kanya! Kilala niya ako! Kilala niya si Celestine!





Imposible namang magkita kami 'no! Malayo naman siya rito! Tsaka malayo naman campus namin sa isa't isa. Dito sa café lang kami posibleng magkita.





"Happy birthday Enzo! Omg! For sure, Pierre's also here!"





Napasapo ako sa noo ko nang makita si Coleen na lumapit sa table namin. Mukhang 'di lang kami sa café posibleng magkita nung lalaking 'yon.





"Hey bro! Happy birthday."





Inabot ko agad 'yung dalawang beer at itinakip sa mukha ko bago pasimpleng tumayo para umalis. Close ba sila ni Enzo?! Bakit ba kasi ako may kaibigang napakalaki ng mundo!





"Talia! Saan mo dadalhin 'yan?! Bakit dalawa dalawa pa? Kalma ka uy ibalik mo 'yang isa." Mariin akong napapikit nang tawagin ako ni Enzo. Malapit na ako makaalis e!





Diretso lang ang tingin ko kila Reign habang naglalakad pabalik at inilapag 'yung mga hawak kong beer. Sinisigurado ko talagang hindi ako mapapatingin sa kanya.





"Magc-cr ako." Paalam ko bago naglakad paalis. Nakakainis naman! Nahihiya ako!





Pagkalabas ko ng cr, halos mapasigaw ako sa gulat nang makita siyang nakatayo ro'n. Was he waiting for me?





"Why are you ignoring me?" He said when I walked past him, acting like I didn't see him.





I was about to continue walking away when he held onto the strap of my bag making me stop from doing so. Nakita ko pa si Reign na nakatingin sa gawi namin at napatakip sa bibig niya na akala mo naman murder 'yung nawitness. I rolled my eyes at her and turned around to face Kierran.





The Missing ElementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon