"Ate!"
I was in the middle of checking the boxes we'll be donating when I heard Matty calling me downstairs.
"Bakit?" Tanong ko habang nagsusuot ng tsinelas.
"May delivery ka ata." He shrugged. Kumunot ang noo ko. Wala naman akong order ah?
"Good morning po. Kay Talia Legaspi po."
"Ay good morning po, Sir! Kanino raw po galing?" Tanong ko nang iabot niya sa 'kin 'yung flower bouquet. Kinuha niya ang phone niya doon sa motor at chineck kung may nakalagay bang pangalan ng sender.
"Anonymous po Ma'am, e. Check n'yo na lang po 'yung letter baka nand'yan." Tumango tango ako at nagpasalamat bago bumalik sa loob.
"Wow may secret admirer ka na, 'te?" Pang-aasar ni Matty at nakikisilip doon sa letter na binabasa ko.
Happy Valentine's, Lia. Have a great day :)
-D
Napailing iling ako at umakyat nang mabasa 'yong letter. May naka-drawing pang teddy bear sa likod ng card.
To: Dein panget
Thanks sa flowers ;)
Alam ko namang siya 'yon. Ang hilig no'n magdrawing ng teddy bear. Pati ata likod ng mga libro ko noon e may laging drawing na teddy bear.
Habang isa isa kong ipinapababa kay Matty 'yung mga box na may mga story books, damit, shoes, at laruan, nakita ko 'yung copy ng published story ko. Hindi ko pa ulit nababasa 'yon. Huling binasa ko ata 'yon e sa harap pa ni Dein bago ako pumunta ng LA. Pinacheck ko kasi sa kanya bago i-publish.
"Sure ka ayaw mong sumama?" I asked Matty when he finally placed the last box inside Enzo's van.
"I'm not good with kids, Ate." He said making me roll my eyes and laugh when I remembered his character in my story. "Ano?" He raised a brow, confused why I was laughing.
"Wala. Bye na, baka gabi na kami maka-uwi. Pasabi na lang kay Mama." Bilin ko bago sumakay sa loob ng van. Sinundo namin si Trina at Nate bago si Klyne. Napakatagal ni Klyne lumabas!
"Naliligo pa ata 'yon." Sabi ni Enzo habang hinihintay naming bumukas 'yung gate mula sa loob ng van.
"Hi, sorry! May pinagawa pa kasi si Papa." Hinihingal na sabi ni Klyne pagkaupo sa loob ng van. Naka-red shirt siya dahil 'yon ang napagkasunduan naming suotin lahat. He took off his cap and wiped his forehead with his handkerchief. My gaze quickly went to the flowers he was holding. "Uh... Tal-"
"Ah! Kasama ba 'yan sa mga dadalhin natin mamaya? Ang ganda! Magugustuhan 'yan ng mga bata!" Tuwang tuwang sabi ko.
"Minsan 'di ko masabing matalino si Talia kasi minsan may pagkaano talaga e." Sabi ni Nate at tinagilid tagilid ang kamay niya na parang nagsasabing alanganin.
"Hoy! Ano?!" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Para sa 'yo kasi 'yung bulaklak. Hindi ba obvious?" Sabi ni Reign mula sa shotgun seat.
"Ah..." Napaayos ako ng upo at tumingin sa bintana na parang walang nangyari.
"Happy Valentine's, Tal." Bumaba ang tingin ko sa flowers na iniaabot ni Klyne sa harap ko.
BINABASA MO ANG
The Missing Element
Teen FictionA student in eighth grade, academically smart, loves to dance, joins pageants too. I tend to be loud and secretive. And one secret high school experience I had is that I joined RPW. Terran's the name of the man who made my life and RPW experience w...