Chapter 11

7 1 0
                                        

I lied down the bed and tried to sleep while Terran's just watching me. Hindi pa ako nakakatulog. Tuwing umuuwi ako e natutulog ako lalo na kung wala namang gagawin kaso wala na akong time para gawin 'yon kanina kaya inaantok ako ngayon.





"Sleepy ka?" He asked and reached for the blanket to cover me.





"Hindi naman. Bored lang." I chuckled and closed my eyes.





"I'm sorry." Sabi niya at umupo sa tabi ko.





"Why?" I asked with my eyes closed. Inaantok ako pero 'di ako pwede makatulog dito.





"Wala lang. Lakas ng trip nila Chesca e. You should be resting by now already." He shook his head, laughing.





"Okay lang. Game lang naman." Napaupo ako saglit at tinitigan siya, iniisip kung anong dapat kong gawin.





"What?" Nagtatakang tanong niya habang tinititigan ko siya.





"Whatataps." Sabi ko at inabot 'yung buhok niya bago ginulo 'yon.





"Hey. I spent a minute fixing this." Sabi niya at lumayo sa 'kin bago humarap sa salamin at inayos ulit 'yung buhok niya.





"Ano bang meron sa buhok mo?" Tanong ko at tumayo bago ginulo ulit 'yun.





"Stop." Sabi niya at inalis 'yung kamay ko palayo. Tinry ko pa ulit abutin 'yung buhok niya kahit ang hirap dahil ang tangkad niya. "Titigil ka o hahalikan kita?" Sabi niya kaya napatigil ako at lumayo. Ayoko pa magka-first kiss!





"Sabi ko nga." Bulong ko bago bumalik sa kama at umupo na lang doon. Napatingin ako sa may bintana at nakitang gabi na pala. "Ilang hours na?" Tanong ko.





"20 minutes pa." Sabi niya habang nakatingin sa relo niya.





"Hmm okay." Napatango tango ako at sinubukan ulit matulog.





Nang matapos ang 20 minutes ay lumabas na rin kami. Pagkababa namin, umuwi na pala si Reign. Sila Nate na lang ang nandito at kumakain pa rin.





"I'll drive her home." Paalam ni Terran kila Chesca kaya napatingin siya sa 'kin.





"Sure sure, ingat kayo." Sabi ni Chesca bago ako niyakap. "By the way how's the two hours?" She whispered.




Hindi ako nakasagot at natawa na lang. "Hey, what are you doing? Kung ano ano nanaman sinasabi mo sa kanya." Sabi ni Terran at hinila ako palayo.





"Happy birthday ulit!" I smiled and waved my hand before following Terran outside.





"Ano 'yan?" Tanong ni Matty nang mapatingin siya sa paper bag na uwi ko. Nagprepare pala kasi si Chesca ng mga food na pinauwi niya sa 'min.





"Pagkain." Sabi ko bago nilapag 'yon sa dining table at umakyat na para magpalit ng damit. I did my skincare before going straight to bed. Inaantok na agad ako. Nakatulog ako saglit ng 20 minutes at lalo lang lumala 'yung antok ko sa sobrang bitin!





Pagkapasok ko ng room nakita ko na agad si Reign. Napakunot ang noo ko nang may tinititigan siya sa gilid ko.





"Ano?" Tanong ko bago sinundan 'yung tingin niya.





"Uhm, Talia." I looked at Lucas who's standing in front of me.





"Hi, yes?" I asked.





The Missing ElementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon