Chapter 5

8 1 0
                                        

"Wassup babe." Klyne draped his arm over my shoulder.





"Babe mo mukha mo." I pushed his face away. "Kaya napagkakamalan kang jowa ko e!" Pagrereklamo ko.





Hindi kami ganun ka-close ni Klyne pero same circle of friends kami. Tropa namin 'to ni Reign since grade 7. Minsan lang kami magsama sama dahil iba ibang section at batch kami. Kami lang ni Reign talaga ang madalas magkasama.





"Sungit!" Sabi niya at lumapit kay Reign.





"Gustong gusto naman niyang napagkakamalang jowa mo." Bulong sa 'kin ni Enzo, isa pang tropa namin.





"Pwes ako, hindi ko gusto." I rolled my eyes, iniiwasan kong magka-issue 'no!





"Pag best friends, best friends lang. 'Wag maf-fall. Tsk." Pagsingit ni Ella, isa pang tropa namin. Kulang pa kami, ngayon na lang ata kami nakumpleto dahil intrams ngayon at hindi busy.





"Si Trina?" I asked when I noticed she's not around. Siya laging missing in action sa 'min.





"Busy dun sa film na ginagawa nila! Showing na 'yun mamaya sa third floor! Siya ata kasi 'yung taga bantay dun." Sabi ni Klyne.





"E si Nate?" Tanong ko nang ma-realize na sila na lang ni Trina ang kulang sa 'min.





"Ah! Siya nagbabantay sa music club e." Sabi ni Reign. Nagtaka ako at napatingin sa kanya kung bakit nandito pa siya.





"'Di ba kasama ka rin dun? Anong ginagawa mo rito?" I asked.





"Kaya niya na 'yun!" She laughed kaya tinulak ko siya at pinagalitan. Hay nako. Isusumbong ko talaga 'to sa president ng club nila!





"Uy! Horror booth tayo mamaya ha? Kita na lang tayo sa gym!" Pag-aaya ni Enzo bago pumunta sa jail booth. Isa kasi siya sa nagbabantay doon.





"Game! Mamaya na ulit tayo magkita ah? Samahan ko lang si Nate sa music club! Klyne, Ella, samahan n'yo na muna si Talia." Sabi ni Reign bago umalis.





"Hinahanap ako ng jowa ko. Kayo na muna ha! Bye!" Sabi ni Ella bago pinuntahan 'yung jowa niya. Sila pa rin pala no'n? Akala ko ba parang nagka-issue 'yon na may iba na.





Si Klyne na lang ang naiwan sa tabi ko. "Nagugutom ako, kain na muna tayo." I pulled him with me to the canteen.





"Ano gusto mo? Libre ko." Sabi niya habang pumipili kami sa counter.





"I have money." Kumuha ako ng tray at plato para sa 'min. Iniabot ko 'yung sa kanya bago pumili ng ulam.





"Ikaw lang 'yung nakilala kong tumatanggi sa libre." He laughed. "Kakaiba ka talaga." He shook his head while watching me buy my food.





"Amaze ka naman tol." Sabi ko habang tumatawa. "I just don't like people spending their money for me." I shrugged. Lalo na kung afford at kaya ko naman gastusin para sa sarili ko. "Besides, allowance mo 'yan. Hindi ako kasama sa allowance mo."





Napakunot ang noo niya at napalitan ng ngiti, kagat kagat ang labi habang nakatitig sa 'kin.





"Ano? Bumili ka na ng sa 'yo." Sabi ko nang mapansing nakatitig lang siya sa 'kin. Nauna na akong humanap ng upuan dahil napaka tagal niyang bumili.





Jaise : Naglunch ka na?





Napasandal ako sa upuan nang makita 'yung message ni Jaise.





The Missing ElementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon