"Ano 'yan?" Curious na tanong ni Reign habang kanina pa sumisilip sa phone ko.
Kanina ko pa kasi tinititigan 'yung lockscreen ko. Picture namin 'yun ni Terran nung nasa rooftop kami.
"Ay saan 'yan?" Pagtatanong ni Reign habang kumakain kami dito sa malapit na restaurant sa campus namin.
"Sa rooftop, nung debut ko." Sabi ko kaya napakunot ang noo niya at nagtaka.
"Huh? Talaga? Saan banda 'yan? Bakit hindi ko nakita? Kaya pala parang may time na ang tagal n'yo nawala." She shrugged.
"Nagreview ka na?" I asked nang mapansin na kain siya nang kain habang ako, nakatutok lang sa reviewer ko.
"Hindi pa. 'Wag na magreview, papasa rin naman." She confidently said, making me laugh.
"'Wag kang iiyak mamaya ha! Ganyan din sinasabi mo nung high school pa tayo, tapos iiyak iyak ka kapag wala kang masag-"
"Masyado ka nang maraming nalalaman." She cut me off and filled my mouth with bunch of fries.
"How's your day, miss?"
Napaatras ako sa gulat nang biglang sumulpot si Terran sa gilid ko pagkalabas ko ng building. Katatapos lang ng classes namin.
"Talent mo ba 'yung magteleport kung saan-saan?" Natatawa kong sabi at napatingin sa flowers na hawak niya.
"I guess? How's your classes? I miss you." He handed me the flowers before started walking with me.
"Hindi lang tayo nagkita kaninang umaga, miss mo na agad ako. Paano kapag nawala ako ng more than one week? Baka hindi mo kayanin." I laughed. He stopped walking making me raise a brow.
"Bakit ka naman mawawala ng one week?" He frowned.
"Example lang 'yun."
"It's not a nice example." Sabi niya at naglakad ulit.
"I'm sorry. 'Di ako mawawala, dito lang ako." I said and reached for his hand to intertwine it with mine.
"Hmm, saan mo gusto pumunta?" He asked. Umiling lang ako at walang maisip.
"Tapos na classes mo?" I asked back while we're roaming around the campus.
"Yes. What time do you need to go home?" Tanong niya at chineck ang oras sa phone niya.
"May pupuntahan ba tayo? Pwede naman akong magpaalam." Sabi ko bago kinuha 'yung phone ko sa bag at nagmessage kay mama.
Nakatulog ako saglit habang nasa byahe dahil kanina pa ako inaantok kaka-memorize.
"Nasaan tayo?" Tanong ko pero 'di niya ako sinagot at hinawakan lang ang kamay ko para makasabay ako sa paglalakad niya.
"E! Wait! 'Yung bag ko! Baka biglang may announcement e." Sabi ko kaya napatigil siya sa paglalakad. Wala kasi kaming dala. Kahit phone pinaiwan njya sa kotse.
"Later na, Tal. Puro ka aral, e. Magpahinga ka naman." Sabi niya bago kami nagpatuloy sa paglalakad. Nahiya naman ako sa kanya! Siya nga 'tong buong magdamag kung mag-aral!
BINABASA MO ANG
The Missing Element
Подростковая литератураA student in eighth grade, academically smart, loves to dance, joins pageants too. I tend to be loud and secretive. And one secret high school experience I had is that I joined RPW. Terran's the name of the man who made my life and RPW experience w...
