"Good luck sa exams. Perfect 'yan, sure ako." Terran chuckled before planting a kiss on my forehead.
"Umagang kay bitter." Sabi ni Lianna, blockmate ko at sumabay sa 'kin sa paglalakad papunta sa room. "Kayo na ba?" Tanong niya sa 'kin.
"Huh? Hindi pa ah! Kakasimula niya pa lang manligaw sa akin nung October." Sabi ko at umupo na sa tabi ni Reign nang makarating kami sa room.
"Ano 'yung ligaw ligaw na narinig ko? Sasagutin mo na ba si pareng Terran?" Tinitigan niya ako habang hinihintay 'yung sagot ko.
"Hindi pa 'no! 6 months pa lang siya nanliligaw." Ang bilis naman kung gano'n. I mean, gusto ko pa muna i-enjoy.
"Wow! 'Lang' ha! Si Enzo nga 3 months lang ako niligawan." She shrugged. "Nga pala! Hoy minessage ako ni Tita kaninang umaga kung sa 'min ka ba natulog! Pasalamat ka um-oo na lang ako ah! Kayo talaga ano ba ginawa n'yo kagabi?" She looked at me with small eyes making me pull her hair. Bastos 'to!
"Hoy! Hinintay ko lang matulog si Terran! Tapos nagreview ako, hindi ko napansin nakatulog na pala ako." I rolled my eyes at her and stopped talking when our professor arrived. May exam kami ngayon, kinakabahan pa nga ako dahil 'di ako masyadong nakapagreview dahil nakatulog lang rin ako kagabi sa condo ni Terran. Bakit ba kasi bigla akong nakatulog?!
"How's your day?"
I quickly shifted my gaze to Terran who's holding a bouquet of roses with his hand. I bit my lower lip to stop myself from smiling. Pwede na ako magtayo ng flower shop sa sobrang dami ng mga bulaklak na ibinibigay niya! Kahit walang occasion e may bulaklak siyang ibinibigay!
"Why?" He asked nang takpan ko ang mukha ko at umiwas ng tingin habang inaabot 'yung bulaklak na dala niya.
"Nothing." I fake coughed. Kinikilig ako. Ano ba! Paano naman kasi! Itong lalaking 'to masyadong nataasan 'yung standards ko!
"How's your exam?" He asked while we're walking our way to nowhere. Saan ba kami pupunta? Lakad kami nang lakad 'di naman namin alam saan pupunta. Kaya minsan kapag magkasama kami hindi ko na rin namamalayan ang oras.
"Okay lang." I shrugged. "How are you?" I looked at him. He looks tired, natutulog pa ba 'to?
"Good. I'm with you na, e." A small smile formed on his face.
"Ang cute mo, gigil ako." Natatawa kong sabi at pinisil ang pisngi niya.
"Where do you want to eat?" He asked and stopped walking to check his phone.
"Uhm, parang gusto ko ng kwek-kwek!" Sabi ko at ipinakita sa kanya 'yung picture ng street foods na dumaan sa feed ko sa Instagram.
"Okay, let's have street foods." I followed him while we're walking our way to his car.
"Miss dalawa po nito, tapos apat po nitong dynamite. Apat din pong kikiam." Excited kong sabi habang tinuturo 'yung order namin.
"What's kikiam?" Terran whispered.
"HAHAHAHAHA! 'Yung mahaba! Ayan oh! Masarap 'yan!" I laughed at his confused reaction.
"Katatapos lang ng mga klase n'yo 'no?" Sabi nung nagluluto ng kwek-kwek.
"Opo." Nakangiti kong sabi bago umupo sa bench sa tabi kung saan nakaupo si Terran.
BINABASA MO ANG
The Missing Element
Novela JuvenilA student in eighth grade, academically smart, loves to dance, joins pageants too. I tend to be loud and secretive. And one secret high school experience I had is that I joined RPW. Terran's the name of the man who made my life and RPW experience w...