Chapter 1

13 3 0
                                    

"Happy Valentine's day!" Bati sa 'kin ni Reign nang makita niya akong pumasok sa room.





The room was decorated with red flowers, red designs, hearts and other stuff. May nakasulat pa sa board na "Happy valentine's"





"Kanino galing 'to?" Sabi ko nang makita 'yung roses sa arm chair ko.





"'Di ko alam. May magt-tropa lang na pumunta kanina sa room tapos pinalagay sa seat mo e." Reign shrugged. "Itatanong ko sana kung sino kaso sabi nila best friend daw kita kaya baka sabihin ko." Napailing-iling siya habang naglolobo ng heart shaped balloons.





"Ah, e ano 'yan? Ang dami naman atang nagbigay sa 'yo?" I took a seat and pointed at the roses inside her bag. Napatingin ako nung sa akin. May tatlong roses sa table at mga chocolates with letters sa upuan ko.





"Binili ko 'yan. Mukha bang may magbibigay sa 'kin?! Nakaka-bitter ha." She shook her head and rolled her eyes. "Ito sa 'yo." She handed me a rose and a chocolate.





"Wow, thanks. Sweet mo naman. Lalanggamin ka na mamaya." I chuckled.





"Sabi sa 'yo ako na lang talaga jowain mo." Pagbibiro niya pa.




"Yuck! Matangkad gusto ko!" Pang-aasar ko sa kanya. Kinuha ko 'yung sapatos na binili ko kahapon at inilapag ko sa harap niya. "Gift ko for you." Malambing kong sabi at siniksik ang sarili sa tabi niya.




"Ano 'yan?! Ang mahal mahal nanaman ng binili mo! Valentine's day palang, Lia! Dapat rose o kaya chocolate lang. 'Di ko naman birthday..." Nahihiyang sabi niya at hindi ginalaw 'yung regalo ko para sa kanya.




"Ano ka ba! Tig 50 pesos lang 'yan." Panloloko ko sa kanya at sinubukan pa niyang tignan 'yung presyo pero binura ko 'yun ng marker! Kaya naasar siya lalo at niyakap na lang ako.




"'Wag ka nga! Ang ganda kaya ng regalo mo sa 'kin! Pink rose! Favorite ko!" I giggled.





I got my phone out to scroll through my social media while waiting. Busy pa sila Reign mag-decorate ng room. Wala naman ako magawa! Cake kasi 'yung ambag ko e on the way pa lang 'yung magd-deliver. Naglike lang ako ng mga post ng mga kaibigan ko. Magp-post sana ako ng picture namin ni Reign kaso bawal pala mag-post ng picture kapag nasa loob ng classroom. Puro magj-jowa laman ng newsfeed ko sa Facebook ha!





"Talia!" Vonne, my classmate, called me. "Tawag ka." She said making me look at the door.





Huminga ako ng malalim bago pumunta sa pintuan. Pano ko i-uuwi 'tong mga roses?! For sure magtatanong si mama. Noong elementary ako iniiwan ko lang sa room 'yung mga roses na natatanggap ko dahil bawal naman ako mag-uwi. Kung hindi bawal, aasarin lang nila ako na baka may crush na ako!





"Hi... Talia. Happy Valentine's." Pagbati nung lalaki at inabot sa 'kin 'yung rose na may kasamang teddy bear.





"Oh, thank you..." I stopped and asked for his name. Hindi ko naman kasi siya kilala. New student ba 'to?





"Miko." He introduced and offered his hand. "From section 3." Sabi niya kaya napatango tango ako. Ramdam ko pa ang lamig ng kamay niya at hindi makatingin nang diretso sa akin. Nakakakaba ba magbigay ng regalo sa crush? Never ko pa na-try. Kapag nagkaka-crush naman kasi ako, hindi nagtatagal ng isang linggo! Bakit ko pa pagkakagastusan 'di ba.





"Oh I see. Thanks, Miko." I smiled and went back to my seat with the rose and teddy bear that Miko gave me.





"Luh, bakit stuff toy." Reign laughed while looking at my expression. "Bawal ka sa stuff toy 'di ba." At tumawa pa nga lalo si gaga.

The Missing ElementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon