Chapter 14

6 1 0
                                    

"Maybe there's something else pa, masyado mababa 'yung sa harap." Sabi ni Terran nang makita niyang tinitignan ko 'yung isang gown.





Nandito kami ngayon sa mall para bumili ng gown ko for debut next month.





"This one? Nice 'di ba?" I smiled while running my fingers through the dress.





"Your back will be so exposed. Baka sipunin ka." He said while showing me the back of the dress.





"Ikaw ba magsusuot?" Pagsusungit ko. Nasa'n ba kasi si mommy? Bakit ba ako iniwan dito! Kanina pa akong walang mapili dahil bawat pili ko ng damit, may reklamo siya.





"Ayusin mo kasi mga pinipili mo. Tss." Sabi niya at tumingin tingin sa paligid. Kinuha niya 'yung isang gown at binigay sa 'kin. "Ayan. Maganda." Sabi niya kaya napatingin ako sa royal blue na gown na long sleeved at closed 'yung neck.





"Papatayin mo ba ako? Paano ako hihinga dito?! Ang init!" Tanong ko at tinignan 'yung sarili ko sa salamin habang dinikit ko 'yung gown sa harap ko.





"Babe, malamig dun sa venue. Even if I cover you with blanket, hindi ka maiinitan." Sabi niya at umupo dun sa couch sa gilid habang hinihintay ako.





"Babe mo mukha mo. Ewan ko sa 'yo. Pipili ako, 'di ko na sasabihin sa 'yo kung ano. Baka may reklamo ka nanaman. Nakakahiya naman sir." Sabi ko at kinuha lahat ng gown na napili ko bago pumasok sa fitting room.





Nang masukat ko na lahat, paglabas ko, sabi ko kay Terran 'wag na siya tumingin sa counter at lumabas na lang muna siya para hindi niya makita. Surprise na lang para wala na siyang magawa pag nakita niya.





"Akin na." Sabi niya at inabot 'yung paper bag na hawak ko.





"'Wag na. May kamay ako." Sabi ko habang tuloy tuloy na naglakad. Ang dami niya nang dala. Kung ano ano pa kasi pinabili niya sa 'kin. Sabi ko may heels naman ako sa bahay pero pinabili niya pa rin ako ng bago.





"Nasa'n sila mommy?" Tanong ko nang makarating kami sa kotse niya.





"Inaasikaso nila ni mom 'yung venue." Sabi niya kaya napatango tango ako. Nakakahiya naman kay Tita. Sabi ko kasi kay mommy e pwede namang kami na lang ang mag-asikaso!





"Para namang kasal." Bulong ko pagkasakay ng kotse.





"What?" Tinaasan niya ako ng kilay nang 'di marinig 'yung sinabi ko kaya umiling na lang ako bago minessage si mommy na pauwi na kami.





"Talia." Nagulat ako nang bigla akong niyakap ni Reign habang naglalakad kami ni Terran dito sa campus.





"W-why? Anong nangyari?" Tanong ko nang marinig ko ang mga hikbi niya habang yakap yakap ako. Napatingin ako kay Terran at sinabi niyang mauuna na lang muna siya.





Hindi siya tumigil sa pag-iyak kaya inaya ko na muna siya umupo saglit sa bench at hinintay siyang tumigil habang nakasandal ang ulo sa balikat ko.





"Hey." Sabi ko at inabot 'yung kamay niyang may sugat pa. Nang i-angat ko 'yung kamay niya mula sa pagkakahawak niya sa tuhod niya, nakita ko agad 'yung sugat niyang dumudugo.





"Sorry sa abala." Sabi niya at napaayos ng upo bago pinunasan 'yung luha niya at pilit na ngumiti.





"Anong abala? Reign kahit kailan 'di ka naging abala sa 'kin. Anong nangyari?" Tanong ko at pinunasan 'yung kamay niyang may dugo gamit 'yung wipes na dala ko.





The Missing ElementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon