Chapter 3

13 2 0
                                    

"Ghoster kainis." Bungad ni Reign sa 'kin pagka-upo niya sa tabi ko.





"Huh? Sino?" I leaned closer, waiting for her to say a word. Badtrip na badtrip ang itsura niya ah. Minsan lang 'to mangyari ah! Kinuha ko ang phone ko at mabilis pinicturan ang itsura niya.





"Wow ha! May gana ka pang kunan ako!" Umirap siya. Wow! Ngayon lang rin siya umirap nang ganyan. Hoy sino nang-ghost sa best friend ko! Grabe kakaibang pagka-badtrip ang ginawa rito nung lalaking 'yon.





"Sorry na. Ito na seryoso na. Sino ba? Spill beh."





"Si Cleo." My mouth formed an 'o' upon hearing her answer.





"Hala, true ba? Or baka may reasons? Busy, gano'n?" I tilted my head a little. Ewan ko gano'n ako dati nung nang-ghost ako. Pero nag-usap din naman kami nang maayos pagkatapos 'no! 'Di naman ako gano'n kasama para hindi man lang magpaliwanag matapos kong 'di sinasadya ma-ghost.





"Baka. Ewan ko. Bahala siya. May iba na akong crush!" She said and showed me a profile of an rp'er. Napasapo ako sa noo ko. Jusko 'tong babaeng 'to. Alam kaya nila Enzo 'to? Sipag sipag niya magpalit palit ng crush samantalang 'di niya pinapansin si Enzo na matagal nang may crush sa kanya! Mas bata kasi si Enzo nang isang taon sa amin pati si Trina.





"Sino nanaman 'yan? Loka, 3N e." I pointed at the 3N on the guy's profile.





No dating. No strings attached. No relationship.





"Ano ngayon? Crush lang naman! 'Yung crush mo nga 3N din!" She suddenly said making my brows furrowed.





"Crush? Huh? Sino?" Nagtataka kong tanong. May crush ba ako? Meron pero...





"Sino pa ba? Si pareng Jaise." Nanlaki ang mga mata ko nang marinig 'yon.





"Huh?! Anong crush? Gaga, best friend ko 'yon!"





"And you think that's an excuse?" She raised a brow at me na para bang nahuli niya ako.





"I mean, si Celestine. Yeah, crush niya 'yun. Pero like, ako?! Ako? Talia?! No!" I waved my hands in front of me and shook my head.





"Okay si Celestine nga. Bakit defensive ka masyado, Talia?" She raised her brows playfully.





"Hindi ah! Nage-explain lang naman ako! You might... get the wrong idea." I shrugged.





"Bars ha." She reminded me. Agad akong tumango. Alam ko naman 'yun. Stay in character. All the time. Hindi pwede in real life.





"Pero best friends kami. I mean ako si Talia pati, siya in real life." Hindi ko alam ang pangalan niya! Hindi ko pa pala natatanong. Hindi ko rin alam pero 'pag nag-uusap kami hindi na kailangan 'yung mga basic informations. We just know each other. By personality, by our perspectives, and our beliefs.





"Okay. Crush sa rp. Best friend in real life." Pag-agree niya at tumawa.





Jaise : Good morning! Have a nice day love.





Ay? Bakit love? Wrong send ba 'to?





Celestine : Wrong send pa nga HAHAHAHAHAHAHA





Kung wrong send 'yon. May jowa ba siya? Gosh.





Jaise : Huh, hindi ah. Sa 'yo ko talaga sinabi 'yon




The Missing ElementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon