I stopped walking and looked back at him who's still standing while both of his hands are on his pocket. "Baliw ka." I rolled my eyes at him and continued walking.
"Seryoso ako ah." He said as he catches up.
I stopped again and laughed, ignoring the fact that my heart started beating so fast again because of what he said. "Okay, tol." I tiptoed so I can drape my arms over his neck. Ang tangkad kasi! Ano ba gatas nito nung baby?
"Aray ko. Likot mo." He moved my arms away and intertwined it with his hands instead.
"Siguro dapat kapag magkasama tayo, naka-heels ako 'no? Para hindi na ako nahihirapan." I said making him laugh. "Ang liit ko."
"Hindi naman." He stopped walking and faced me before leaning to kiss my forehead. "Cute."
"Hi, lola!" Bati ko nang makita sila ni mama pumasok sa loob ng room ko dito sa hotel. Mine-makeupan na ako para sa debut ko mamaya.
"Ang ganda ng venue sa baba, Lia." Sabi ni lola kaya naexcite ako lalo. Hindi ko pa kasi nakikita 'yung final decorations sa venue. Hindi ipinapakita sa 'kin ni Terran! Surprise daw! Pati si mommy ayaw ipakita sa 'kin.
"Talaga po?"
"Oo, pink lahat." Sabi ni mama at natawa kaya tumawa rin 'yung mga makeup artist.
"Mahilig sa pink ang bebe." Sabi nung nag-aayos ng buhok ko.
"Bababa na muna kami ha? Nasa baba nga pala girlfriend ng kapatid mo." Sabi ni mama at tumawa bago lumabas ng room kasama si lola.
Okay naman 'yung girlfriend ni Matty. Medyo naiinis lang ako kasi sabi ko ipakilala sa 'kin tapos laging may dahilan kaya hindi natutuloy. Buti naman wala siyang dahilan ngayon.
"Boyfriend mo ba 'yung nasa baba, beh?" Tanong nung makeup artist habang pumipili siya ng shade ng lipstick.
Napatingin ako sa kanya sa salamin at kumunot ang noo. Sino? Si Terran ba? "Sino po dun?"
"'Yung gwapo na matangkad. 'Yung naka black and pink tux." Sabi niya kaya napaisip ako. Hindi ko pa nakikita si Terran simula kagabi. Hinatid niya lang kasi ako dito sa room kagabi tapos umalis na rin dahil sa ibang room siya nagstay.
"Ah, baka po 'yung best friend ko-"
Hindi ko na natuloy 'yung sinabi ko dahil biglang pumasok si Terran sa room.
"Hala shet." Bulong nung isang nag-aayos ng gown ko sa gilid.
"Hala siya 'yun..." Napatakip ng bibig 'yung makeup artist.
"Hey," Bati ni Terran at tinitigan ako sa salamin.
"Woah," I scoffed in disbelief when I saw him wearing a black and pink tuxedo. "Nagpink ka talaga for me." Tumawa ako kaya napairap siya at ngumiti.
Last week kasi pinipilit ko siya magpink. Ayaw niya raw kaya sabi ko 'wag na lang.
"It's your day. Boss kita ngayon." He shrugged and sat on the bed at the side.
"Marami nang tao?" Tanong ko at medyo kinakabahan. Wala naman kasi sa plano ko magkaroon ng debut.
"Yeah, I thought you only invited a few. But it looks like a debut of an international model." He laughed.
BINABASA MO ANG
The Missing Element
Teen FictionA student in eighth grade, academically smart, loves to dance, joins pageants too. I tend to be loud and secretive. And one secret high school experience I had is that I joined RPW. Terran's the name of the man who made my life and RPW experience w...