Chapter 23

4 1 0
                                    

"Hoy! Naging judge pala si coach ng isa sa mga pageant mo dati?"





Napatingin ako kay Reign na biglang sumulpot sa tabi ko. Ang aga aga napakaingay.





"Ang ingay mo. Shush ka nga, ang aga pa oh." Sabi ko at hinila nang mahina 'yung buhok niya habang naglalakad.





"Aray! Oo na! Pero naging judge pala si coach dati 'no? Kilala ka kasi niya! Nabanggit ka niya sa 'min during practice, e!" Gulat akong napatingin nang marinig 'yung sinabi niya. Ako?! Binanggit? Bakit naman?





"Huh? Ang tagal na kaya no'n. Pa'no niya pa ako naaalala?" Tanong ko at inabot kay Reign 'yung papers na hinihingi niya kahapon.





"Nagjudge siya noong 4th pageant mo. Naamaze daw siya. Ewan ko, idol na idol ka ni coach." She shrugged.





"Talaga?" Napahinto kami sa harap ng cafeteria dahil sabi ni Reign hindi pa raw siya kumakain ng agahan.





"Oo, gusto ka nga niya makita noong nalaman niyang dito ka rin nag-aaral." Sabi niya habang nakapila kami dito at pumipili siya ng pagkain.





"Pa'no niya nalaman na dito ako nag-aaral?"





"Duh! Syempre sinabi ko! Gusto ka nga niya makita mamayang practice, e!" Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko 'yon. Napakadaldal talaga nito! Bakit kailangan niya pang sabihin!





"Ha?! Gaga ka ba? Anong gagawin ko dun?!" Gulat kong tanong kaya binatukan niya ako dahil ang oa ko raw.





"Wala. Ewan ko rin anong balak ni coach. Basta pinapapunta ka niya lalo na't nalaman niyang mag best friends tayo." Mahina siyang tumawa at nagbayad ng pagkain.





"Sinabi mong mag best friend tayo?!" Nakakunot na noo akong nakatitig sa kanya.





She frowned and looked at me. "Why not? Nakakaproud kaya. I was like, 'Coach best friend ko 'yun!' Nakakaproud kaya, hays." Sabi niya at napatapik tapik pa sa dibdib at proud na proud sa sinabi niya.





"Wow, nakakatouch naman pero anong gagawin ko nga dun? 'Di ako prepared ha! Baka bigla niya akong parampahin don!" Bigla kong inisip at tinitigan 'yung suot ko. Naka uniform pa ako!






"Duh! Two hours after classes naman natin 'yung practice. Umuwi ka na lang muna para magpalit ng damit just in case parampahin ka nga talaga ni coach. It's better to be ready, girl." She shrugged and took a bite on her bread.





Pagkatapos ng klase namin, umuwi na rin ako ng bahay para magpalit ng damit. I changed into a white shirt tucked in a ripped jeans. Hinayaan ko na lang na nakalugay 'yung buhok ko bago nagsuot ng relo at rubber shoes. Nagpalit na rin ako ng mas maliit na bag dahil wala naman na kaming classes.





To : Reign


Start na ba practice n'yo?





Naghintay lang muna ako saglit sa kabilang gym at nanood na lang ng mga SHS na nagb-basketball. Wala naman akong naiintindihan kaya umalis na lang rin ako nang magreply si Reign na hinihintay na lang nila si coach kaya pumunta na lang rin daw ako.





Napasilip pa ako saglit mula sa labas ng main gym at nakita ko 'yung mga candidates sa loob. Ang dami pala nila, mas madami kaysa sa candidates namin noong high school. 15 girls at 15 boys sa kanila.





The Missing ElementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon