Chapter 25

6 0 0
                                        

"Good evening ladies and gentlemen. I would like to ask for all of your attention as we present a short video."





Habang pinapanood namin 'yung video, napatingin ako kay Tatum sa tabi ko na may kinukulit sa Ate niya.





"I'm hungry." Bulong ni Tatum.





"Mom asked your earlier kung nagugutom ka, sabi mo hindi." Napailing-iling si Ate Tricia. Kinuha ko sa bag 'yung burger na inabot sa 'kin ni Trina kanina pati 'yung coke.





"Here." Sabi ko at inabot 'yung burger at coke. 'Yun lang 'yung kinuha ko kay Trina kanina kasi sabi ko baka hindi rin ako masyadong makakain.





Napatingin pa si Tatum kay Ate Tricia pagkaabot ko nung pagkain. "Thank you, Tal." She smiled and told Tatum to thank me as well.





"No problem." I smiled before turning back my attention to the stage.





"One dream, one goal, one title. Who will be the next Mr. and Ms. of this university?" The emcee said as he was taking a walk on the stage. "Let us all welcome our candidates."





Nagsimulang pumasok 'yung mga candidates in their uniform attire habang pinapatugtog na rin 'yung music.





"Arte, beh." Rinig kong bulong ni Ate Tricia na natatawa habang pinapanood si Terran. Narinig ko pa 'yung cheer nila Nate pati nila Chesca sa likod kasabay nung mga kablockmates ata nila. Daming fans, ah? Arista ka ghorl? HAHAHAHA.





"Go Kuya!" Sigaw ni Tatum at itinaas namin 'yung banner at itinaas rin nila Bella 'yung balloons nila.





Terran was just wearing their typical white uniform. Isa isa lang sila rumampa. Vinideohan ko pa siya nang konti at pinost sa story ko.





"I love you, Candidate 13."





Natawa ako nang makita agad 'yung mga replies at tags sa 'kin nila Nate.



ItsNate replied to your story: napakalandi!



Reigna_mo replied to your story: ang gwapo niya beh!



Klyneille_ replied to your story: harot to the max!



Trina_tratonangtama tagged you in their story.





Kumunot ang noo ko nang makita 'yung sarili ko doon sa video. Vinideohan pala nila ako mula sa likod habang vinivideo si Terran.





"Hello po kay Ate na naka blue dress napaka supportive naman po kay-"




"Go Terran!" Sigaw ni Enzo doon sa video.



"Manahimik ka! Vinivideohan ko si Talia!" Hinampas niya si Enzo at inulit pa 'yung sinasabi kanina. "Ayon nga po pasensya na sa katabi ko. Kay Ate na naka blue po, napaka supportive naman niyarn kay candidate 13!"





Napailing-iling ako habang natatawa sa mga video nila sa 'kin. Hindi naman ako 'yung candidate! Bakit ako 'yung laman ng mga stories nila?!

The Missing ElementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon