Chapter 18

10 1 0
                                        

"Thank you so much to each and everyone who joined me today on my special day, I really hope you enjoyed the food, the place and everything tonight, because me, I really did enjoy. I am really happy to see everyone smiling gathered on my special day." A smile never left my face as I continue to thank everyone.





"Once again, before we end this wonderful night, happy happy birthday to our gorgeous debutant, Talia." The emcee said, motioning his hand to my direction.





"Thank you." I smiled at him.





"Punta na kami sa taas ah?" Paalam nila Reign sa 'kin. May after party pa kasi sa may rooftop. Kami kami na lang naman batchmates, friends ko and friends ni Terran ang aattend dun.





"Happy birthday, Talia. We'll go now ha. Masama raw pakiramdam ni Lucas e. He won't be able to attend the after party na. See you next time!" Sabi ni Ninang Charmaine sa 'kin. Nakipag beso ako bago hinintay sila makaalis. Umalis na rin 'yung ibang bisita. 'Yung iba naman, nasa rooftop na. Mga excited mag-inuman! Palibhasa mga sanay na! Ako na lang naman ang hinihintay nila maglegal age!





"Balik na kayo nila mama sa room." Sabi ko kay Matty nang makita sila ng girlfriend niya na nakatingin sa 'kin.





"Happy birthday ulit, Ate!" Bati sa 'kin ni Elouise.





"Thank you." I whispered as she embraced me. "Hindi ka talaga aattend ng after party?" Tanong ko kay Matty habang tinutulungan mag-ayos sila mama ng gamit.





"Ihahatid ko pa si Elouise. Tsaka ayaw ako payagan ni Lola!" He laughed.





"Bakit naman?" Sabi ko at napailing-iling.





"Late na masyado." Sabi niya kaya tumango tango na lang ako.





"Dalhin ko ba 'tong mga 'to sa taas?" Terran asked, pertaining to the food na natira. Konti na lang naman. May mga cake pa rin kasi.





"No need. May mga food din na naka prepare sa taas e." Sabi ko at kinuha 'yung mga unopened cakes at pinadala na lang kila Matty. Iba pa kasi 'yung catering dito sa baba kaysa sa catering sa after party.





"Mauna ka na dun sa taas." Sabi ko kay Terran nang makita na hinihintay niya ako. Hinihintay ko pa rin kasi matapos mag-ayos ng gamit sila mama.





"Talia," Narinig kong pagtawag sa 'kin ni Tita Elisse kaya napalingon ako agad sa kanya.





"Tita! Nandito pa po pala kayo." Sabi ko bago lumapit sa kanila.





"Yes. Tatum wants to give you her gift personally." She said and looked at Tatum who's holding a small black box.





"Ate," She called. "Here." She handed me the small box.





"You made this, love?" I asked as I opened the small black box revealing a pink rose made out of paper. Ang ganda niya, parang totoo. "Ang creative mo naman. Thank you." I smiled and ruffled her hair a bit.





"You like it po?" She asked making me nod.





"Oo naman. Sobra. I'll keep this in my room forever." Sabi ko bago siya niyakap.





"I told you, she'll like it." Napatingin ako kay Ate Tricia na nasa likod niya.





"Thank you po sa pagpunta." Sabi ko bago niyakap si Ate Tricia at si Tita Elisse.





The Missing ElementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon