Chapter 9

10 1 0
                                        

"Grabe! Ayoko na! 'Yun 'yung pinakamahirap na exam sa lahat ng tinake natin!" Sabi ni Reign nang matapos kami magtake ng huling entrance exam. "Ewan ko na lang talaga kung sa anim na tinake natin at ni isa 'di ako nakapasa."





"Makakapasa 'yan." Positive na sabi ko habang tumingin tingin sa paligid.





"Saan nag-aaral 'yung Terran?" Tanong ni Reign sa 'kin habang hinihintay ako sumagot.





"Ewan ko. Mukha bang alam ko?"





"Syempre? Duh! Ano ka ba! Sabi mo siya si Jaise! Halos araw-araw kayong magkausap niyan simula dati, tapos hindi mo alam kung saan nag-aaral? Ang hina mo. Grabe best friend ba kita? Hina mo beh." She shook her head, acting disappointed.





"Ewan ko sa 'yo. Tanungin mo kung gusto mo. Friends kayo sa Facebook 'di ba." I shook my head when I remembered she even gave her Facebook name to Terran.





"Ayoko! Siniseen lang ako no'n e!" Sabi niya kaya natawa ako. "Speaking of, bakit daw hindi mo ina-accept friend request niya?"





"Tinatamad ako. Makikita niya pa mamaya mga old pictures ko. Tsaka na lang." Sabi ko at tinignan ang pending na requests niya sa Instagram, Facebook at Tiktok ko. Naka-private kasi lahat. Magd-delete muna ako ng mga pangit kong pictures!





"O? Kumusta entrance exam?" Tanong ni mama nang makarating ako sa bahay.





"Okay lang." I shrugged.





"Sabi ni Reign mahirap daw." She said showing me Reign's post on Facebook making me shook my head. Napaka-updated nito ni mama! Minsan nagugulat ako nauuna pa niyang mabalitaan 'yung mga balita kaysa sa akin.





"Okay lang. Hindi naman gano'n kahirap. Ewan ko ba d'yan. Oa." Tumawa ako at kumuha ng tubig sa loob ng fridge.





"Graduating ka na pala ng junior high school ngayong school year." Sabi ko pagkaupo ko sa tabi ni Matty na kumakain ng lunch sa dining table.





"Oo." Walang gana niyang sagot kaya napairap ako. Pangit kausap.





"Lia, kailan lalabas results ng entrance exam n'yo?" Tanong ni lola sa 'kin.





"'Yung tatlo po, bukas. Tapos 'yung dalawa sa Friday pa." Sabi ko bago sinabayan kumain si Matty.





Kinabukasan ay maaga ako nagising dahil kay Reign. Balak ko pa namang matulog buong hapon.





[TALIA!! Hindi ako nakapasa dun sa dalawa! Dun lang ako nakapasa sa isa! Kainis!] Maiyak iyak niyang sabi habang magka video call kami.





"Ay weh? 'Di ko pa nachecheck sa 'kin. Wait lang." Sabi ko at kinuha ang laptop ko.





[O ano?] Sabi ni Reign at hindi mabasa ang reaksyon ko.





"Nakapasa ako!" Excited kong sabi kaya napatili siya.





[E! Saan ka nakapasa?]





"Sa lahat." Kagat kagat ko ang labi ko habang nakangiti. Niyakap ko ang unan ko habang si Reign e tuwang tuwa rin.





['Yung dalawa na lang hihintayin natin bukas.] Sabi ni Reign at tumango ako. Kung tutuusin okay na nga 'tong tatlo kung saan ako nakapasa e! Magagandang universities naman lahat.





The Missing ElementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon