Chapter 28

5 1 0
                                    

"Do you have plans for semestral break?"





Our classes just ended. We were already planning for our semestral break vacations. Si Reign at Enzo, pupunta sa New York. Si Trina at Nate naman, sa bahay lang nila pati sina Klyne at Ella.





"Wala pa naman. Baka sa bahay lang." Pagsagot ko sa tanong ni Terran. Katatapos lang namin maglunch date ngayon.





"We're planning to visit our resort in Batangas. Mom told me to ask you if you want to come with us." He shrugged. Napatingin ako bigla sa kanya at hindi alam ang sasabihin.





Papayagan ba ako? Ang layo no'n.





"E, baka hindi ako payag-"





"I already asked for Titas' permission, don't worry. They said it depends on you that's why I'm asking you." Napakunot ang noo ko nang marinig 'yung sinabi niya. Nauna niya pa talagang tanungin sila mommy?!





Woah, this guy talaga!





"H-ha? I mean, gusto ko naman talaga. Ang iniisip ko lang baka kasi hindi nga ako payagan-"





"Pinayagan ka na nga nila bago mo pa malaman. Well then, I'll tell mom you're coming with us na." He cut me off again before getting his phone out to call Tita Elisse. Hindi pa nga ako umo-oo





"Kailan 'yun?" I asked when he ended the call.





"Next week."





"Tapos ngayon mo lang sinabi sa 'kin?!" Hindi makapaniwala kong sabi.





"Much easier to ask for your family's permission first." He smirked and stood up after paying for our lunch.





"Hindi n'yo 'ko sinabihan." Sabi ko habang nag-aayos ng mga damit at gamit.





"Akala ko alam mo na, e." Sabi ni Mama habang tinutulungan ako magprepare ng mga dadalhin ko para sa susunod na linggo.





"Sana all vacation." Bulong ni Matty nang mapadaan siya sa kwarto ko at napatingin doon sa mga gamit na inaayos namin ni Mama.





"Wala ba kayong plano ni Elouise?" Tanong ko sa kanya nang umupo siya sa kama ko.





"Date lang. As if papayagan ako ni Lola mag out of town. Mag-overnight nga lang ako sa mga tropa ko namimiss niya na ako." Natatawang sabi niya at napailing-iling na lang.





Tinawagan ko si Mommy at nagreklamo din na hindi man lang ako ininform! Inilapag ko 'yung phone ko sa table habang nagv-video call kami.





"Wala akong pang swimming! Resort daw 'yun e! Wala akong pang beach!" I sighed.





"Bakit wala? Balita ko binilhan ka ni Terran ng mga damit ah? That's what he told us when he asked for permission kaya we don't have anything to worry about na raw." She shrugged habang kumakain. Nagl-lunch ata siya sa condo niya at day-off niya ngayon.





"Puro dress 'yun! Wala naman swimsuit! As if bibilhan ako ng swimsuit no'n." I rolled my eyes. Ang gastos ng lalaking 'yon! May mga damit naman ako rito pero ang hilig niya pa ako bilhan ng mga bagay bagay. Pera niya naman 'yon at hindi sa parents niya, pero kahit na 'no!





Sa huli, bumili na lang rin ako ng mga swimsuit dahil wala naman akong pangswimming kahit rash guard. Hindi naman kasi ako marunong magswimming!





The Missing ElementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon