Chapter 20

5 1 0
                                        

"Hello?" I said as I answered the call in the middle of my review.





[Talia, are you busy?] Magulong tanong ni Aaron at hindi ko pa masyadong maintindihan dahil ang ingay ng paligid niya.





"Ha? Hindi naman. Bakit? Nasa'n ka?" Nagtatakang tanong ko at napatingin sa orasan. 1 am na ah? Patulog na nga ako e! Inii-scan ko na lang notes ko.





[Si Terran kasi, pwede mo ba sunduin?] Tanong niya kaya napakunot ang noo ko. ['Wag na, Ron! I'm okay, I can go home-] Napatayo ako nang marinig ang boses ni Terran.





"Nasa'n kayo?" I asked and immediately stood up. I wore a hoodie and fixed my reviewers on the side before getting my bag with me downstairs.





"Saan ka pupunta? Ala una na ah?" Sabi ni lola nang magising siya at makita niya akong palabas ng pintuan.





"Uhm, may pupuntahan lang po. Doon na lang po ako magrereview kila Reign." Sabi ko bago mabilis na lumabas at pumasok sa kotse ni Reign.





"Pasalamat ka mahal kita, anong oras na oh? Ala una? Seryoso ka ba? Saan ka pupunta?" Tanong niya habang nagd-drive.





"Si Terran kasi, sabi ni Aaron sunduin ko raw. Lasing, e." Sabi ko habang chinecheck ang phone ko dahil itetext daw ni Aaron sa 'kin 'yung place.





"Ha? Wala ba siyang kasama na pwede maghatid sa kanya? May exam tayo bukas ah? Nagreview ka na ba? Late ka rin kaya umuwi kanina." Sunod-sunod na tanong niya.





"Nakapagreview naman ako kahit kaunti. At saka, umuwi na raw si Kyle and Chesca, e. Si Aaron naman, binabantayan pa si Coleen." Pagpapaliwanag ko.





"Samahan na kita." She insisted pagkadating namin.





Agad akong tumanggi at sinabing hintayin niya na lang kami sa kotse. "Dito ka na lang, mabilis lang naman ako." Sabi ko bago siya tumango tango.





I quickly went inside the place, nakita ko agad si Coleen na sumasayaw sa dance floor, lasing na lasing. Napailing-iling ako at hinanap si Aaron.





"Hey! Talia! Dito!" Narinig kong sigaw ni Aaron kaya napalingon ako sa couch nila.





"Anong nangyari d'yan?" Tanong ko kay Aaron nang mapatingin kay Terran na nakahiga na.





"E, napagtripan kasi nila Kyle. Ayan tuloy." Sabi niya at napakamot pa sa ulo niya.





"Nako talaga. Sige na, ako na bahala. Ingat kayo ni Coleen. Umuwi na rin kayo, anong oras na oh." Sabi ko sa kanya bago nilapitan si Terran.





"Sige sige, puntahan ko lang si Coleen. Iwan ko na kayo d'yan." Sabi niya bago umalis.





I kneeled down in front of him. "Wake up na. Uwi na tayo." Sabi ko habang hinahaplos 'yung buhok niya.





"Hmm." Mahinang sabi niya habang nakapikit.





"Let's go na." Ulit ko pa at hinila siya patayo. "May class ka tomorrow." Paalala ko bago siya tumayo. He draped his arm over my shoulder while we're walking out of the place.





"Anong nangyari sa 'yo, tol?" Natatawang tanong ni Reign nang buksan niya 'yung pinto sa backseat para makaupo si Terran.





"Saan condo niyan?" Tanong ni Reign bago nagsimula magdrive. Alam ko naman 'yung condo niya dahil nagkita na kami dun dati pero hindi pa ako nakapasok.





The Missing ElementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon