"Aattend ka?" Reign asked me when she noticed I was quiet the whole time. Sobrang occupied ng utak ko.
"Saan?" Walang gana kong tanong habang tahimik na nagbabasa.
"Prom." She said making me look at her for a while.
"Prom..." Sabi ko at mahinang tumawa. "Prom, wala naman akong date." I shrugged.
"Bakit parang wala kang energy? 'Di ba dapat excited ka? Matagal kaya natin hinintay magprom!" She held my chin to look at my face. Sinalat niya pa ang noo ko para tignan kung may sakit ako.
"Broken hearted." I joked. "Joke lang. Nawala lang ako bigla sa mood." Simula noong kumain kami after ng horror booth ay hindi na ako pinapansin ni Klyne. Ayaw na ayaw ko 'yung may taong hindi okay sa 'kin at hindi ko man lang alam 'yung dahilan. Nasaktan ko ba siya? May nagawa ba akong mali?
Tonight's our prom night. Hindi ko alam kung a-attend ba ako o hindi.
"Bakit hindi ka pa naka-ready? Nasa baba na si Reign, hinihintay ka." Sabi ni mama nang makita akong nakahiga pa rin at walang plano mag-ayos.
Celestine : Prom namin bff. Should I come? Wala naman akong date.
Jaise : Gusto mo pumunta ako? Ako na lang date mo bff HAHAHAHHA
Celestine : As if naman makakapunta ka talaga agad agad.
I shook my head and stared at my prom dress na naka-ready na sa harap ko. Sayang naman. A-attend na lang ako. Pero kasi nandun si Klyne! Nahihirapan ako sa kanya kasi iniiwasan niya ako palagi.
I took a shower and wore my prom dress. An off shoulder, long satin royal blue dress that has slit on the left side. I let my hair down and wore a little makeup before getting my pouch with me.
"Uy! Akala ko wala ka nang balak umattend e!" Sabi ni Reign pagkababa ko. "Ang ganda ganda mo naman! Nakakatakot kang hawakan! Para kang diamond." Exaggerated na sabi niya at dahan dahan hinawakan ang straight na straight kong buhok.
"OA mo! Ikaw rin naman! Kumuha ka pa nga ng makeup artist! Ako hindi na, akala ko kasi... hindi ako a-attend." Mahinang sabi ko habang pinagmamasdan 'yung black velvet niyang dress.
"Kain muna kayo." Sabi ni mama habang nagp-prepare ng dinner.
"Ay tita hindi na po! Dun na po kami kakain para masulit namin 'yung catering!" Sabi ni Reign bago ako hinila papalabas ng bahay. Hinampas ko pa ang kamay niya dahil muntik na akong madapa!
"Ang ganda ganda mo tapos 'yung itsura mo parang ang laki ng galit mo sa mundo." Nakakunot na noo na sabi ni Reign habang tinititigan ako. Nakasakay kami ngayon sa kotse ng mommy niya at siya ang maghahatid sa amin papunta sa school.
"Wala lang sa mood." I shrugged. Hindi ko pa nababanggit kay Reign 'yung tungkol sa pag-iwas ni Klyne sa akin. Hindi ko nga alam kung nahahalata nila habang magkakasama kaming lahat.
Nang makarating kami ng hotel, bumungad 'yung mga chandelier at mga ilaw sa paligid. 'Yung floor ay kulay itim na may highlights ng gold. May royal blue naman na lights doon sa may bandang stage at sa dance floor. Masyado pang maaga kaya pumunta na muna agad ako sa table namin at kinuha ang phone ko para magpalipas ng oras.
BINABASA MO ANG
The Missing Element
أدب المراهقينA student in eighth grade, academically smart, loves to dance, joins pageants too. I tend to be loud and secretive. And one secret high school experience I had is that I joined RPW. Terran's the name of the man who made my life and RPW experience w...