Chapter 37

10 0 0
                                        

"Baby Renz! Your pinakamagandang ninang is here!" I said as I went inside. Umuwi ako ngayon sa bahay dahil birthday ni Elouise at dito sila nagcelebrate. Nandito rin 'yung mga kaibigan nila.




"Uy ate! Amoy airport ka pa ah." Pagbibiro ni Matty nang kuhanin ko si Renz mula sa kanya.





"Wow may amoy na pala airport ngayon!" Umirap ako at napalingon kay Mommy na biglang nagsalita sa likod ko.




"'Yung ayos kasi ng buhok mo! Naka-bun ka pa! Tapos naka-heels ka pa." Tumatawang sabi niya kaya napatingin ako sa sarili ko. Kauuwi ko lang kasi galing flight at nagpalit lang ako ng dress sa sasakyan bago pumunta rito.





"Lola! Magkamukha kami ni Renz 'no? Hehe poging bata! Boy version ko pero mas pogi sa tatay niya." Sabi ko kay Lola nang lumapit siya sa amin.





"Heh, kamukha nga ni Elouise yan. Mukhang boy version ni Elouise" Pagtawa ni Lola kaya napasimangot ako.





"'Di mo naman anak 'yan, paano magiging kamukha mo." Dagdag ni Mama.





"Kung gusto mo ng kamukha mo, mag-anak ka!" Sabi ni Matty at inasar asar ako dahil alam niyang hindi ko magagawa 'yon. Ni jowa nga wala ako.





"Oo nga. Wala ka bang boyfriend? Si Dein ba?" Tanong ni Lola kaya napakunot ang noo ko.





"Anong meron kay Dein?" Inosente kong tanong habang nakangiti kay Renz na tinatawanan ako habang binu-boolaga ko siya.





"Hindi ka ba nililigawan no'n?"





Tinanong naman ako ni Dein noon a year after namin magbreak ni Terran. Pero ayoko i-risk 'yung friendship na meron kami. "Ayoko sa piloto, La. Babaero." I rolled my eyes. "'Di ba 'no?" Nakangiting sabi ko kay Renz.





"Hindi naman lahat! Choosy ka pa, ilang taon ka na oh! Dapat meron ka nang someone ngayon na kasama mo magsettle." Sabi naman ni Mama.





"Parang kailan lang bawal ako magboyfriend, ngayon kayo na nagp-push sa akin mag-asawa. Tsaka, nasa kalendaryo pa ako 'no! Bata pa ako." I let out a laugh.





"Nga pala Ate, kinuha namin ninong ni Renz si Kuya Terran." Sabi ni Matty kaya agad nanlaki ang mata ko. Close ba sila masyado?! Kailan pa?!




"Ano?!" Iritang sabi ko. "Renz? 'Di pa ba sapat si Ninang sa 'yo? Bakit n'yo pa kinuhang Ninong 'yon? Kaya ko naman triplehin 'yung pamasko ko! Tsaka, ang dami naman na Ninong ni Renz!" Sabi ko habang buhat buhat si Renz na tinatawanan ako. Bungisngisin na bata.





"E bakit ka ba affected? I thought wala na kayo." Pagsingit ni mommy sa usapan namin. She looked at me with small eyes, teasing me.




"'Di ako affected, my point is--"




"'Si Renz naman 'yung inaanak, hindi ikaw." Mama cut me off. I scoffed in disbelief. Excuse me? Anong nakain nila?! Bakit nila kinakampihan yun?!





Okay, fine. I don't care. I just don't like crossing paths with that guy all the time. Onti na lang, iisipin kong nakatadhana talaga kami sa isa't isa.





The Missing ElementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon