"Hoy! Sagutin mo 'ko!" Sigaw ni Reign nang tuloy tuloy lang akong naglakad papunta sa galley.
"Shh." Pagtakip ko sa bibig niya dahil may mga natutulog na pasahero.
"Sagutin mo kasi ako." Mas mahinang pagpupumilit niya. "Curious ako anong pinag-usapan n'yo ni ex mo."
"May binalik lang siya, okay? Umalis na rin siya agad dahil kailangan niya raw bumalik sa ospital." Nagkibit balikat ako bago bumalik sa aisle nang may tumawag na pasahero.
Wala naman kaming masyado pinag-usapan ni Terran pagkatapos niyang ibalik 'yung dapat niyang ibalik. Mas okay na 'yon. Wala rin namang dapat pag-usapan pa.
[Ate!]
Agad kong inilayo 'yung phone ko dahil sa lakas ng sigaw ni Matty. "Oh?"
Inilapag ko ang mga gamit ko sa gilid pagkadating namin sa hotel. Dubai ang layover namin ngayon kaya medyo sumakit ang paa ko sa layo.
[Manganganak na si Elouise!]
Napa-upo ako sa kama nang marinig 'yon. "Ha? Nasa'n kayo?"
[Nasa ospital na.] Sagot niya. Tumango-tango ako at hindi mapakali habang nagpapalit ng damit. Ibababa ko na sana 'yung phone pero natigilan ako sa narinig kong boses. [She's going to be fine. You might want to come inside, she needs you.]
Napalunok ako. Bakit siya nandun? He said 'hello' to the phone but I opted not to answer back. I ended the call instead.
Pagkatapos ko magtanggal ng makeup at maghilamos, natulog na lang muna ako habang naghihintay ng balita kila Matty.
Pagkagising, nagdadalawang isip ako kung maaga ba akong uuwi para makita 'yung baby kaso nasa ospital pa rin sila at mukhang nandoon pa naman sa ospital na 'yon parati si Terran. Dito na lang muna ako para makapamili na rin ng mga gamit para sa baby.
"Ito kaya? Ang ganda 'no?" Ipinakita ni Reign sa 'kin 'yung pink na onesie. Nandito kami ngayon sa mall dito sa Dubai at namimili ng mga pwedeng bilhin dahil wala naman kaming magawa sa rooms namin.
"Tanga, lalaki 'yon! Fake friend ka talaga!" Umirap ako at naghanap-hanap pa ng ibang pang lalaki.
"Sorry ah! Kasalanan ko bang may flight ako nung gender reveal party nila?! Ni hindi nga kayo nagpost kung anong gender! 'Di mo rin kinwento sa 'kin!" Pagrereklamo niya bago sumunod sa 'kin na nasa panlalaking section.
"Ang saya talaga 'pag namimili tayo para sa mga baby." I smiled while looking at the stuff we bought on our baskets.
"'Di ba! Kaya mag-anak ka na! Tignan mo, naunahan ka na ni Matty-"
"Che! Bakit hindi ikaw mauna?! Mas matanda ka sa 'kin, Ate!" Umirap ako. Jowa nga wala, asawa wala, anak pa?! Siraulo 'to. Nag-anak naman na si Matty, okay na 'yan. Is-spoil ko na lang 'yung bata.
"Bakit ba kasi ayaw mong mag-try ulit?" Bulong niya pagka-upo namin dito sa loob ng restaurant para um-order na ng lunch.
"Mag-try ng ano?" I raised a brow while scrolling through my social media accounts. Nakita ko ang latest post ni Terran sa feed ko na hawak hawak niyang kape. Mutuals pa rin pala kami sa Instragram?!
BINABASA MO ANG
The Missing Element
Teen FictionA student in eighth grade, academically smart, loves to dance, joins pageants too. I tend to be loud and secretive. And one secret high school experience I had is that I joined RPW. Terran's the name of the man who made my life and RPW experience w...