"May practice daw kayo ngayon ah? Bakit ka nandito?" Nagtataka kong tanong kay Terran nang tumabi siya sa 'kin dito sa coffee shop. Tumambay ako dito para mag-aral dahil wala naman akong magawa. Busy si Reign doon sa gym dahil may practice para sa pageant.
"Huh? Ngayon ba 'yun?" He immediately got his phone out to check his schedule. "Hala oo nga 'no! Ngayong tuesday pala! Akala ko next week."
Mahina akong tumawa nang magpanic na siya. "Lagot ka, nakakatakot daw kaya 'yung coach dun. Unang practice ang pangit ng impression sa 'yo!" Pananakot ko sa kanya.
"E! Wait wait! Saan ba 'yung practice?" He fixed his things and stood up.
"Sa main gym. Dalian mo na, hindi pa naman daw nagsisimula sabi ni Reign." Bakit hindi niya alam? Hindi rin ba alam ni Coleen?
"That's why Coleen told me earlier she has a practice to attend to! I thought she was pertaining sa cheering. I'll go na, Tal. I'll see you later." He kissed my forehead before rushing out of the coffee shop.
"Hay nako, hindi kasi nagch-check ng gc." Napailing-iling ako at nagpatuloy sa pagrereview.
"Wassup, Tal!" Nagulat ako nang pumasok at umupo sa tabi ko sila Nate.
"O? Wala kayong classes?" Tanong ko habang si Klyne at Nate ay sumisilip sa nirereview ko. Si Trina naman, nagoorder sa counter, si Ella, tahimik lang na nagp-phone.
"Maaga natapos. Exams lang rin namin ngayon." Sabi ni Ella.
"Kayo?" Tanong ko kila Klyne.
"Absent prof ko. 'Yang dalawa, malay ko sa mga 'yan, nakita ko na lang sinusundo na ako sa labas ng building ko." Klyne laughed and stood up to help Trina with the orders.
"Nasaan ang aking mahal?" Enzo asked making me roll my eyes.
"Yuck, tropa strokes." Sabi ni Trina pagkalapag niya ng mga orders sa table namin.
"Wow! Coming from you! Nate was too stunned to speak." Enzo said.
"Nasa gym. May pa-pageant 'yung org nila." I said, reaching for the bread that Klyne was handing me.
"Ay oo nga, nabanggit sa 'kin ni Reign. Hindi ka sumali?" Sabi ni Ella habang kinukuha 'yung order niya sa tray na hawak ni Trina.
"Hindi. Busy ako, e. Ayoko, hindi na ako masyado maalam sa mga gano'n." I shook my head.
"Grabe! 6 years kaya naging sa 'yo 'yung crown sa school natin dati! Sabi nga nung iba baka daw may dayaan na." Sabi ni Trina na natatawa.
"Ay oo! Naalala ko 'yon! 'Yung palagi daw si Talia nananalo! Give chance to others naman daw." Pagkekwento ni Enzo habang kumakain.
BINABASA MO ANG
The Missing Element
Teen FictionA student in eighth grade, academically smart, loves to dance, joins pageants too. I tend to be loud and secretive. And one secret high school experience I had is that I joined RPW. Terran's the name of the man who made my life and RPW experience w...