Chapter 41

12 0 0
                                        

"Nandito na ang babaita!" Sabi ni Mama habang tinutulungan nila ako ipasok sa loob ng bahay 'yung mga maleta ko.





"I'm home! Wow! Wala kang work?" I asked Mommy when I saw her in the living room.





"Waleys. Welcome home." She gave me a kiss on the cheek.





"Grabe naman 'yung ilaw n'yo dito! Bago ba 'to? Ang sakit sa mata ang pangit." Napatakip ako sa mata ko. Sobrang sensitive ng mata ko pagdating sa mga ilaw lalo na 'yung mga puti! Mas gusto ko talaga 'yung ma-orange orange. "Hoy! 'Di mo ba ako namiss?!" Sabi ko kay Matty na hindi man lang lumingon sa 'kin! Napakasuplado nito!





"Me, Ate! Namiss kita!" Elouise quickly gave me a hug.





"I miss you too! Pagsabihan mo nga 'yang jowa mo! Sabihin mo sa 'kin kung pati sa 'yo suplado 'yan ah!" I said and glared at Matty.





"Will do, Ate!" She laughed.





"Kumain ka na ba? Kumain ka muna." Sabi ni Lola sa 'kin na nasa dining kaya pumunta ako roon.





"Wala ka bang nakilala ron?" Tanong ni Mommy habang kumakain ako.





"Wala 'no!" Mabilis kong sagot nang marealize ko kung anong ibig niyang sabihin.





"Naunahan ka pa ni Matty." Natatawang sabi ni Lola.





"Maharot 'yan, e." Umirap ako at tumingin sa gawi nila ni Elouise na nagtitinginan. Harot! Respeto naman!





"20 ka na, wala ka man lang naging boyfriend. Hina mo naman!" Pang-aasar ni Mommy sa 'kin. Excuse me ha! Kasalanan ko bang mabait ako at inuuna ko priorities ko!





"Baka mapili kasi masyado." Sabi naman ni Mama pagkababa nang matapos niyang i-akyat 'yung mga gamit ko. Sabi ko ako na, e! Mabigat 'yon.





"Syempre 'no! Magj-jowa na lang rin ako bakit mags-settle pa ako sa 'di ko talaga type." I rolled my eyes. Siguro epekto na rin 'to ng pagtrato sa 'kin ni Terran noon. Even though we were miles away from each other, he never failed to assure me and give me more than what I deserve. Sa lahat ng nirereto nila Reign sa 'kin, unang usap palang e inaayawan ko na. Terran really did set my standards too high.





"Lia!"





Napalingon ako sa paligid kung sino 'yung tumawag sa 'kin. Inilabas ko kasi 'yung basura. Ip-pick up ata 'to mamaya.





"Miss mo 'ko?" I raised my brow at Dein.





"Oo! May pasalubong ka ba?" Sabi niya at umakbay sa akin.





"Dun ka! Ang baho ko! Naghawak ako ng basura." Sabi ko at lumayo para matanggal ang pagkaka-akbay niya sa 'kin.





"Okay lang... maganda ka pa rin naman!" He gave me a thumbs up making me shook my head. "So ano nga?! Don't tell me wala kang pasalubong sa 'kin?"





"Meron. Kunin ko sa taas. Pasok ka muna." Sabi ko sa kanya at hindi ko pa tapos ilabas 'yung basura.





"Single ka ba, Dein?" Narinig kong tanong ni Lola kay Dein habang ibinababa ko 'yung paper bag na puno ng pasalubong para kay Dein at kila Tita.





"Opo! Single na single! NGSB!" Rinig kong nagtatawanan sila pagkababa ko.





"Oh ito na." Sabi ko at inabot sa kanya 'yung malaking paper bag. May rubber shoes 'yon, chocolates, polo para kay Tito, at 'yung ipinabili ni Tita na pabango. "Huwag mo na pabayaran kay Tita 'yung perfume, pasalubong ko na 'yan kamo." Ipinabili niya lang dapat kasi sa akin 'yon dahil doon lang sa U.S. available 'yon.





The Missing ElementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon