Chapter 33

5 0 0
                                    

"Talia!"





Napalunok ako habang pinipigilan umiyak nang dali-daling tumakbo si Reign papunta sa 'kin at umiyak sa balikat ko.





"A-anong nangyari?" Nagtataka kong tanong. Nanghihina ako sa tuwing nakikita ko siyang ganito.




"W-wala na si Mommy pati si Daddy..." Nahihirapang sabi niya.





"Ano?" Natulala ako. Hindi siya umimik. Umiyak lang siya nang umiyak. Hindi na ako nagtanong pa at alam ko namang hindi niya rin masasagot 'yun.





"Anong nangyari?"





"Reign!"





"Where's tita and tito?"





Sunod-sunod na tanong nila nang magsidatingan sila Trina.





"Samahan mo nga muna." Sabi ko kay Enzo bago sinenyasan sila Trina na umalis muna.





"Wala na." Walang reaksyon na sabi ko nang makalayo kami kila Reign. Sa sakit na nararamdaman ko nitong mga nakaraang araw hindi ko alam kung nagiging manhid na ako.





"Ha? I thought they found Tita and Tito's bodies?" Naguguluhang tanong ni Ella.





"Oo nga, pero wala na. Patay na." Diretsong sabi ko dahil hindi pa nila maintindihan. Nagulat rin sila sa mga nangyayari. Ngayon ko lang sila sinabihan tungkol dito dahil hindi ko na kaya na ako lang mag-isa ang magbantay kay Reign dahil sobrang pagod na pagod rin ako. Physically at mentally.






"Are you okay?"





"Mhm." I lied. I kept lying about what I feel or how I am. Not only to convince other people but aslo myself. I let him stroke my hair while I was wrapping my arms around his waist. Shit, ikaw na lang pahinga ko. Iiwan mo ba talaga ako?





"I know you're not, love." I felt him kissed the top of my head. "What do you want me to do? Let's go out?" He suggested.





"Ikaw bahala." Walang gana kong sagot. Sobrang bigat talaga ng pakiramdam ko nitong mga nakaraan. Nas-stress pa ako dahil feeling ko parating may nakasunod sa 'kin.





Umuwi muna ako sa bahay para magpalit ng damit. Susunduin na lang daw ako ni Terran. I wore a black croptop and a high waisted shorts. Nagdala na lang din ako ng cap at jacket.





"Sad pa rin mahal ko." He pouted and patted the back of my head as I went inside his car. I was just quiet the whole time. Iniisip ko si Reign. Kumusta kaya siya? Kay Enzo muna siya tumuloy. Mas mabuti 'yon at may nag-aalaga sa kanya. Ayaw ko kasing nage-enjoy ako habang siya, nasasaktan. Pero hindi ako maka-hindi kay Terran. Ilang buwan na lang din. Susulitin ko na.





"Nakapag-book ka na ng flight 'no?" I suddenly asked pagka-park niya dito sa labas ng Enchanted Kingdom. Madilim na sa labas dahil late na rin kami nagdesisyon lumabas.





"Let's not talk about it, love." He grabbed his phone and keys with him before getting out of the car and opening the door for me. Nagtatanong lang naman ako kung nagbook na siya. Mas mabuti na 'yung ineexpect ko na kaysa iniisip kong wala lang lahat. Mas lalo akong masasaktan.





"Where do you want to go first, babe?" He draped his arm over my shoulder while we were walking around.





"Ikaw bahala." Mahinang sabi ko.





The Missing ElementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon