Chapter 7

8 1 0
                                    

I started smiling as he chuckled. "Bff..." I called making him look at me. I started to feel safe.




"Yeah?"




"Jaise, huh? True ba?" I stepped closer and reached for his hair. I've always wanted to touch his hair! Throughout the years na nag-uusap kami he always say he doesn't like it when someone touch his hair.




"Kalmahan mo lang, alam kong pogi ako." Sabi niya kaya napasampal ako sa mukha niya. "Grabe, ganyan ka ba talaga bumati, Celestine?!"





"Ewan ko sa 'yo." I rolled my eyes and moved away.





"You're right. You're really masungit in real life." He let out a laugh. "Ngayon lang ako na-inform na you're into books pala." He shrugged and raised the book he's holding.





"Sino may sabi?" I crossed my arms over my chest while lowkey surveying his looks. He's... more than what I expected. He looks good more than I thought.





"Kasi you're about to get this one kanina?" He tilted his head a little and opened the book.





"Hindi para sa 'kin. Para sa friend ko." Sabi ko kaya napatango tango siya.





"Talia!" Rinig kong tawag ni Reign sa 'kin kaya nanlaki ang mga mata ko.





Jaise was leaning his back against the shelf while looking at me. "I... have to go. I'll see you... maybe next time." I awkwardly smiled and waved my hand before leaving.





"Bakit ang tagal mo? Ano? Nahanap mo ba?" Tanong ni Reign at tumingin pa sa pinanggalingan ko.





"Hindi e. Tara na. Baka sa ibang mall meron 'yon. Out of stock na ata dito." I shrugged and was about to pull her away.





"Sandali. Sino 'yun? Ang pogi. Kausap mo ba 'yun kanina? Parang magkalapit kayo kanina e." Sabi ni Reign habang tinititigan si Jaise na abala sa pagtitingin ng libro. Nakita niya pa 'yun? Was she listening to our conversation?!





"Huh? Hindi ah! Nagkataon lang talaga na-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang pumunta si Reign doon sa taas. Nakita niya siguro 'yung libro na hawak ni Jaise.





Susunod ba ako? 'Wag na! Dito na lang ako. Ayoko na madamay sa kaharutan na gagawin ni Reign 'no!



"Talia!" Napalunok ako nang tawagin niya ako, na nakatayo sa stairs, nagbabalak na sanang bumaba.



"Nagmessage na si mama sa 'kin! Ano oras daw tayo uuwi?" Tanong ko sa kanya at napatingin kay Jaise na nakatingin din sa aming dalawa. Napaiwas tuloy ako ng tingin! Aatakihin ata ako rito at kanina pa pabilis nang pabilis 'yung tibok ng puso ko. Gusto ko nang umalis!



"Sabihin mo kay tita wait lang. May binibili tayo saglit." Sabi niya kaya wala akong nagawa kung hindi sabihin 'yon kay mama. Pagkatapos no'n ay bababa na sana ako kaso tinawag niya nanaman ako!


"Talia! Hoy Talia Amaya!" Napapikit ako nang isigaw niya pa 'yung pangalan ko. Ano ba! Feeling ko memorize na ni Jaise pangalan ko sa kakasigaw niya! First name ko lang ang pinaalam ko kay Jaise!



"A-ano?" Mahina kong tanong at napairap na lang bago siya pinuntahan sa second floor.

The Missing ElementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon