"Good evening ladies and gentlemen. We are gathered here tonight as we witness the debutant turns into a beautiful lady. Join us as we celebrate this wonderful girl's coming of age." The emcee started. Nasa labas ako ng venue ngayon pero naririnig ko pa rin dahil nakabukas ng konti 'yung pinto.
"I'll go inside first. I'll see you there." Pagpapaalam ni Terran bago pumasok sa loob.
Sumilip ako nang konti nang pumasok siya. Bakit puro pink naman ata? Hindi ba sumasakit 'yung mga mata nung mga bisita? Grabe hindi ko alam kung matatawa ako o ano.
"Ready, Ms. Talia?" Tanong sa 'kin nung babae na nakahawak na sa door.
"Opo." Tumango ako nang nakangiti at hinintay na buksan niya 'yung malaking pinto.
Sumalubong sa 'kin 'yung pink na special effect smoke pagkapasok ko ng venue. I walked and took my time. I smiled to every person I'll look at. Kilala ko naman sila mostly dahil mga friends sila ni mommy. Paminsan minsan ay tumitingin din ako sa camera sa harap ko. Ang dami naman camera! Ipapalabas ba 'to sa news sa iba't ibang bansa?!
I saw Terran smiling at me. Nasa gilid siya sa may harap at hinihintay akong makarating doon. Ang pogi shuta.
Nakita ko pa sila mama sa may gilid sa may front seats nang makarating na ako sa dulo. Umakyat ako nang konti doon sa maliit na steps papuntang couch sa gitna. Inalalayan ako ni Terran hanggang makaupo ako dahil medyo mahaba 'yung likod ng gown ko.
"You look so beautiful as always." He whispered before going back to the side. I rolled my eyes at him and sucked the inside of my cheeks to stop myself from smiling.
Ngumiti ako ulit nang tuloy tuloy nagflash 'yung mga camera. Kailangan maganda ako sa debut pictures ko! Nanatili akong nakangiti habang nagsasalita 'yung emcee at pinaupo na rin 'yung mga guests.
"Let us have a small introduction about our dear debutant so that we can get to know her more." Sabi nung emcee bago tumingin sa malaking screen sa may bandang likod ko. Napatingin ako doon at nakita ang baby pictures ko. Nakakahiya! Ang taba taba ko!
Hindi ako nainform na may ganito ha! Si mommy ba nagsuggest nito?! Natawa na lang ako dahil ang taba taba ko roon.
"Talia Amaya Legaspi, the first daughter, first granddaughter, first great granddaughter of their family." The emcee started.
Ay true ba? First pala ako sa lahat. HAHAHAHAHA. Ngayon ko lang narealize.
"A young girl who has a lot of dreams and goals in mind ever since she was a kid." Pagpapatuloy niya habang nagfaflash sa screen ang mga pictures ko na nakadamit ng iba't ibang profession. May doctor, may princess, may teacher, may flight attendant, may CEO, may airline manager, chef at marami pang iba. Jusko! Kaya hindi nahihirapan 'yung mga tita ko sa pagreregalo sa akin noon dahil kahit pangdentist na mga laruan ang ibigay nila sa akin magugustuhan ko! Lahat e naeenjoy ko at gusto ko totohanin paglaki!
"A young dancer," Napasapo ako sa noo ko nang magflash sa screen ang video ng sayaw ko nung bata ako. Pagkatapos noon ay sumunod ang mga recent videos na sayaw ko. "A young girl who joins pageants." Nagflash naman sa screen ang mga pictures ko sa mga pageants dati.
"Our debutant can also sing," Nanlaki ang mata ko nang magplay sa screen ang compilation ng mga kanta ko! Kaninong video 'yang mga 'yan?! Hindi naman ako nagsesend sakanila ng mga recording ng kanta ko ah!
BINABASA MO ANG
The Missing Element
Teen FictionA student in eighth grade, academically smart, loves to dance, joins pageants too. I tend to be loud and secretive. And one secret high school experience I had is that I joined RPW. Terran's the name of the man who made my life and RPW experience w...
