Chapter 42

7 0 0
                                    


Chapter 42


"Bakit hindi ka na bumalik kagabi?" Bungad agad sa 'kin ni Yakie na kakapasok pa lang sa kwarto ko.

"Napagod ako bigla. Sumakit yung binti ko kaya hindi na 'ko nakabalik." Pagdadahilan.

"Sumakit ba talaga ang binti o ang puso?" Biglang sabi ni Anne na ikinagulat ko. Paano niya nalaman? Ni hindi naman ako nagsasabi sa kaniya ng kahit ano. Kahit close kami ay hindi pa din ako nagsasabi about sa relationship ko before with Darren. Alam ko din na may alam na siya kahit papaano dahil sa mga sumalubong sa amin pag dating dito.


"Ay? Nandito si Ex?" Tanong ni Yakie.


Tumayo na ako para pumasok sa cr dahil ayokong pag usapan ang tungkol doon. "Maliligo lang ako."


"Ay umiiwas. Mukhang may nangyari." Napailing nalang ako sa loob ng cr dahil mukhang nasa pinto si Yakie ng banyo habang sinasabi yun.

Ito na ang simula nang pag aasikaso nang event dahil sa thursday na ang event at nabalita na ito sa tv kagabi lang. Nasa social media na rin siya kahapon. May picture pa akong nakita kagabi na naka bikini kami na nabalita din ang pose ko sa Instagram na kasama sila Yakie. Nag bihis lang ako palette bra na kulay itim at highwaist squarepants na kulay puti. Nagdala din ako nang shades at sumbrero na puti dahil mainit mamaya. Pinalagyan ko na din muna ng pandong ang stage para hindi nainitan lahat ng models. Aabotin yata kami ng after lunch para magpractice.


Pag baba ko ay kumpleto na ang lahat. Ang ikinagulat ko pa ay nandito na sila kuya Sancho. Nang makita ako ni Sam ay tumakbo siya sa 'kin na may ngiti sa labi.

"Tita."


Tumakbo din ako sa kaniya para buhatin siya. Hinalikan ko siya sa pinsge at niyakap siya ng mahigpit. Sobrang na miss ko itong batang 'to.


"Why are you here? I thought you're going to zoo and spent time with your dad." Sabi ko bago maglakad at buhat-buhat siya.

"It's our prank tita." Tumawa siya kaya mas lalo akong nanggigil at hinalikan siyang muli sa pisnge.
"I'm here to surprise you and I want to swim later."


Sobrang cute nitong batang 'to. Mas nagmana siya sa Mommy niya kaya ang jolly niyang bata. Pinaupo ko siya sa magiging pwesto ko dapat para makita ang buong stage. May kain siyang lollipop at curious niyang tiningnan ang mga paligid.

Nakipag beso ako kay Kuya Sancho at nagkamustahan. Nag congrats na din siya sa 'kin in advance sa event kong ito. Kumpleto na si Sammie, Kierra at Anne na busy nagpalakad lakad sa may stage at back stage. Ngayong practice ay itotodo na namin ito dahil bukas ay sismulan nang lagyan ng design ang stage at aayusin na ang lahat. Sobrang laki nang stage na halos malapit sa dalampasigan kaya ang ganda ng kalalabasan. Outdoor din ito dahil open space ang lahat. Ayos na din ang nagsilbing bubong na sobrang lawak na ginawa nila simula kahapon pa. May malaking tv screen din sa stage na magsisilbing background for ramp. Halata sa mukha nang mga modelo ang excite at kaba ng magsimula kami with music na.


Nakasuot na ang shades ko at seryosong nakatayo sa harap ng stage habang katabi si Somi na nagsasalita if may mali sa rampa or nauuna sa paglakad. Hindi ko akalain na nakarating ako sa una kong show na ginanap sa paborito kong lugar. Nagulat din ako na may media na sa labas ng entrance, pero dahil open ito ay kita nila ang ginagawa namin. Tinawag ako ng ilan sa mga reporters para sa interview or pasilip sa darating fashion show.


"Ano po ang mga dapat abangan namin sa darating na show na ito?" Tanong ng reporter.


Ngumiti ako sa camera. "It's a secret." Sabay tawa ko kaya tumawa din sila. "Let's wait for this fashion show and I'm ready to share with you guys my clothing."


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 03, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Be With You (Montero Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon