Chapter 18 (Confession)

7 0 0
                                    

Chapter 18

Confession

Lumayo ako sa kaniya at pinalo siya sa braso. "What? Pervert." Iniwan ko siya dahil sa hiya. Ba't ko ba sinabi na dahil friend ko si Denver eh pwede na niya kong halikan? Yari siya sakin mamaya.

Sumunod sakin si Darren habang tumatawa. Nakakainis!!!!

"Bakit pag siya humalik di bastos? Pero pag ako bastos?" Tanong niya.

"Nakaw nga yun hindi ko alam na gagawin niya yun." Inis na singhal ko sa kanya.

Nang makarating kami room hinarap ko siya. "Pwede ka nang umalis! Salamat sa paghatid." Sabi ko.

Tumango siya. "Sabay tayong mag lunch." Aniya.

Bakit nanaman?

"Ayoko." Tanggi ko.

Lumapit siya sa tenga ko. "Weather you like it or not sasabay ka sakin at hindi dun kay Denver." Bulong niya at umalis.

Natulala ako saglit bago pumasok sa room. Halos lahat ng classmate ko ay sakin ang tingin at may binubulong about dun sa ginawa ni Darren.

"Bakla!!!! Explain." Bungad agad sakin ni Janie.

"Ano yun ha? Pa eksena ka ah." Asar ni Lia.

"Wag pa showbiz sumagot ah! I want whole answer." Ani Jensen. "So ano yung binulong niya?" Dugtong niya. Si Cj nilipat ang upuan sa tabi ni Lia para makinig din sa sasabihin ko. Tiningnan ko silang apat na nakatingin sa akin. Mga chismosa talaga.

"Sabi niya.. sabay daw ulit kaming mag lunch." Sabi ko.

"Omg!!" Tili ni Janie, kaya yung mga classmate namin ay napatingin sa amin.

"Nako bakla don't eat lettuce ha." Paalala ni Jensen. Tumango naman sakin si Lia at Cj bilang sang ayon kay Jensen.

"Dito ako kakain sa Cafeteria." Sabi ko.

Tumango lang sila. After ng klase namin dumeretso kaming Cafeteria.

"Nakakainis talaga si Sir Ampalla lagi akong trip pag dating sa recitation." Ani Janie.

Terror kasi si Sir Ampalla pag dating sa klase. Professor namin siya sa arts. Next week nga mag de-design kami ng damit na gagamitin ng models para sa events dito sa school next month. Yun na ang exam namin sa kanya, bali pipili lang siya ng ipapasuot sa models swerte mo pag napili ang design mo kasi kung hindi mag e-exam ka talaga ng 150 items. After naming mag order dun ulit kami sa upuan namin umupo. Di ko nga alam kung bakit walang umuupo dito kundi kami lang. Susubo pa lang sana ako ng makita ko na si Darren na papalapit sa amin. Hawak niya ang tray na may lamang pagkain, yung isang kamay niya ay nakalagay sa kanyang bulsa. Nang makarating siya sa table namin, umupo siya agad sa tabi ko. Sila Lia naman ay nagulat sa presensiya ni Darren.

"Uyy kuya Darren? Anong ginagawa natin dito?" Tanong sa kanya ni Lia.

Lumingon sa kanya si Darren. "Kakain malamang." Aniya.

"Luh sungit mo ah! Inaano ba kita?" Ani Lia.

Umusog sa akin si Janie. "Anong ginagamit mong shampoo? Mamigay ka naman!" Biro ni Janie.

Tinawanan ko lang siya bago nag simulang kumain. Busy mag kwentuhan sila Jensen. Sanay na ata sila sa presensiya ni Darren, kinilig sila pero hindi na kasing lala nung dati. Nagulat ako ng biglang sumulpot si Denver umupo siya sa tabi ni Lia. Kumaway siya sa akin bago kumain.

"Pumunta akong room niyo pero wala na kayo dun kaya dumeretso ako dito." Ani Denver.

"Di ka naman nag text." Ani ko.

Kumunot noo niya. "Nag text ako ah."

Dali kong kinuha ang phone ko sa bulsa ng coat ko. Tama nga, nag text siya kaso di ko nabasa kanina.

Ngumiti ako. "Sorry di ko nabasa."

"Ok lang yun." Aniya.

"Are you done?" Mahinang sabi niya. Tiningnan ko siya, tapos na siyang kumain.

"Nakikita mong may laman pa ang tray ko diba?" Mataray kong sabi.

"Hindi ka naman siguro bulag ano?!" Dugtong ko.

"Tss."

Nagulat ako dahil hinawakan niya ang kamay ko at kinaladkad paalis. Narinig kong tinatawag ako nila Lia. Ganun din si Denver.

"San mo ba ko dadalhin?" Sabi ko habang kinakaladkad niya ko. Hindi na siya naawa. Nagulat ako dahil dinala niya ko sa magandang lugar.

Puno siya ng mga puno at mga halaman, meron ding mga bulaklak. Ang ganda! Napaka peaceful ng lugar. Magandang mag review dito dahil tahimik.

Nadapo ang tingin ko kay Darren na nakaupo at nakasandal sa puno. Deretso ang tingin niya sakin kaya umiwas ako dahil naiilang ako.

Nagpameywang ako. "Anong gagawin natin dito?" Inis na sabi ko. Pero hindi niya ko sinagot.

Pinagmasdan ko siya, I admit na gwapo talaga siya. Sa mga makakapal niyang kilay, magandang mata at mahabang pilik mata, ang matangos niyang ilong, mga mapupulang labi, at mapanga din siya. Matangkad siya, siguro mga 6'1 ang taas niya hindi ko sure. Nang tingnan niya ko umiwas ako ng tingin baka sabihin niya pinagpapantasiyahan ko siya. Tss, neknek niya.

"Sit here." Napalingon ako sa kanya. Tinapik tapik niya yung space sa tabi niya. Ayoko baka madumihan ang palda ko.

"Ayoko! Bakit mo ba kasi ako dinala dito?" Inis na tanong ko.

Tumayo siya, pinagpagan niya yung pantalon niya bago ako tiningnan. Titig na titig siya sakin.

Lumakad siya ng dahan dahan papalapit sakin. "Gusto mong malaman kung bakit kita dinala dito?" Aniya habang papalapit sakin.

Paatras ako ng paatras. "S-syempre. Di ko natapos yung pagkain ko." Nautal ako pero pilit kong pinatapang ang boses ko

Lapit siya ng lapit tapos ako paatras ng paatras jusko lord kinakabahan ako! Anong balak niya?

Umatras pa ko ng umatras hanggang sa nabangga ako sa may puno, ibig sabihin wala na kong aatrasan. Lord help me.

Hindi ako makatingin sa kanya ng deretso kaya sa gilid ako nakatingin.

"Look at me." Nasitaasan ang balahibo ko sa boses niya. Ang husky shit. Hindi pa rin ako tumingin dahil mas nailang ako lalo. Ba't ganon yung boses niya? Kahit paos ang sexy. What?! Malandi ka Mika!

Nagulat ako ng hawakan niya ang baba ko. Pinaharap niya ang mukha ko sa kanya. Nalula ako sa sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko, isang maling galaw lang maglalapat na ang mga labi namin.

"Damn!" Bulong niya habang nakayuko pero hawak niya pa rin ang baba ko tapos yung isa niyang kamay ay nakasandal sa puno kaya corner na corner ako. Umangat siya ng tingin sa akin bago nag buntong hininga.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko kayang umalis sa bisig niya, kung tutuusin kayang kaya kong mag pumiglas sa kanya pero bakit di ko magawa? Damn anong nangyayari sakin?

"I don't know when it started. The day I met you at the park, I felt so different when I saw you." Seryosong sabi niya.

Doon na ko kinabahan ng husto. I don't know what to say, seryosong seryoso siya habang nakatitig sa akin.

"Damn! Fvck! I don't know how to admit it." Aniya habang nakayuko. Ako naman kanina pa namumula. Shit.

Tumingin siya sakin. "Mika.... I like you."

Tuluyan na kong nanghina shit!

_______________________________________________________________________________________________

Be With You (Montero Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon