Chapter 34 (meet again)

4 0 0
                                    

Chapter 34

Meet again


"Earth to Mika?"

Napalingon agad ako kay Lia na nakataas ang kanyang dalawang kilay. Nandito na pala kami sa kotse. Hindi ko napansin dahil bumalik sakin ang nakaaran. Hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako. Hindi ako nagtanong kahit kanino kung kamusta na siya. Dahil gusto kong maka move on, pero parang hindi nangyari. Ganun pa rin, mahal ko pa rin siya. Pero kailangan kong controlin ang sarili ko dahil baka masaktan na naman ako.

"Kanina pa ko talak ng talak dito tapos hindi ka pala nakikinig?! Sayang laway ko." Inirapan niya ko kaya natawa ako. Hindi pa rin siya nagbabago. Mabunganga pa din.

"Pagod lang kasi ako. Mamaya mag kwentuhan tayo hanggang umaga. Tutal mukhang marami kang chika." Tumawa si Kuya Brix sa sinabi ko. Ngumuso lang siya sakin.

"Gumanda ka talaga" ani Lia habang nakatingin sakin.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit? Hindi ba ko maganda dati?"

"Ganyan talaga pag nasaktan no? Gumaganda." Ani Lia.

Nawala ang ngiti ko pero pinilit kong ngumiti. Nang mapansin ay na nag iba ang itsura ko ay huminto siya sa pagtawa.

"Ay, sorry." Nag peace sign siya. Nginitian ko na lang siya. Hindi na kami nag usap hanggang sa makarating ng bahay. Si Kuya Matt ang nagdala ng maleta ko. Kumapit sa braso ko si Lia papasok sa bahay.

"Welcome back!"

Napatalon ako sa gulat ng buksan ko ang pinto. Lumabi ako ng yakapin ako ni Tita at ganun din si Tito. Gosh, I miss them so much. Tuluyan ng tumulo ang luha ko ng makita si Janie at jensen na umiiyak habang nakatingin sa akin. Nginitian ko sila kaya lumapit agad sila sakin at niyakap ako.

"Letse kang bakla ka! Di ka nagpaalam sa'min." Tampo na sabi ni Janie.

"Namiss kita ng sobra bakla." Ani Jensen habang umiiyak din.

Niyakap ko sila ng mahigpit. "I'm sorry. Babawi ako sa inyo." Kumalas sila ng yakap. Pinunasan ko ang luha nilang dalawa. Pumayat si Janie. At Jensen ay ganun din. Ganun pa din ang itsura nila. Mga mukha nang fashion designer.

"Tama na ang drama. Ako na pinsan hindi umiyak tapos kayo umiyak? Kapamilya?" Biro ni Lia.

Ngumiwi si Jensen pati si Janie. "Kapuso ako dahil may puso ako kaya ako umiyak hindi tulad mo."

Hoy! May puso din ako no. Nadurog kasi kaya binubuo ko pa."

Napatingin ako sa kaniya. Anong nadurog ang pinagsasabi nito?

"Tama na yan. Kain na tayo." Aya ni Tita.

Naunang pumunta sa kusina si Janie at Jensen. Sumunod si Kuya Brix at Kuya Matt. Kaming dalawa na lang ni Lia ang nahuli.

"Hoy? Ano yung sinasabi mo na nadurog yang puso mo?" Takang  tanong ko.

Ngumiti siya sakin. "Wala yun gagi. Loko-loko lang. Tara kain na tayo, alam kong napagod ka sa flight mo." Hinatak niya ko papuntang dining. Na se-sense ko talaga na may problema siya. Pero alam ko naman na mag o-open up siya sakin kung may problema man siya kaya hindi ko na lang inalam.

Puro kwentuhan ang naganap sa lamesa. Napagod ako ng husto kaya di na ko nakapag chikahan kay Lia. Kinabukasan ay nagising ako dahil sa tunog ng phone ko. Kinuha ko ito bago sagutin ang tawag.

Be With You (Montero Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon