Chapter 16
Allergy
"Ako? Nagseselos? Ang kapal naman ng muka mo? Hindi kita gusto." Inis na sabi ko sa kanya.
Ako? Nagseselos? Iba din ang muka ni
to eh! Ngumisi siya ng nakakaloko."Wala naman akong sinabing gusto mo ko, unless gusto mo nga ko?"
Ibang klase din talaga siya!
"Hell no."
Tinawanan niya lang ako, kung di dahil talaga sa utang ko sa kanya hindi ako sasama nakakainis siya. Dumating na yung order namin kaya nagsimula na kong kumain, hindi ko siya tinapuan ng tingin dahil naiinis ako sa pagmumuka niya.
"I'm done let's go." Sabi ko. Pero hindi pa siya tapos kumain kaya inintay ko pa siya. Kinuha ko na yung wallet ko sa bag para bayaran yung kinain ko. Inabot ko sa kanya pero tumanggi siya.
"Bayad ko 'to sa kinain ko ba't ayaw mong kuhain?" Takang sabi ko.
"Ako na ang magbabayad." Sabi niya habang nilalagay ang pera sa maliit na black folder.
"Ako na sabi! Baka singilin mo ko mahirap na."
Tinawanan niya lang ako sa sinabi ko, anong nakakatawa dun? Naniniguro lang ako. Umiling siya bago tumayo.
"Let's go may klase ka pa."
Uminom ako ng tubig bago tumayo, sumasakit ang tyan ko sa dami ng kinain ko, hindi naman ako natatae? basta masakit lang siya. Nakahawak ako sa tyan ko habang naglalakad papuntang parking ang sakit talaga mama!
"Hey? What's wrong?" Umangat ang ulo ko, nasa harap ko na si Darren na nag aalala. Umiling lang ako bilang sagot, di ako makapagsalita sa sakit ng tyan ko. Nilapagsan ko siya at lumapit sa kotse niya, bubuksan ko na sana ang pinto ng higitin niya ang braso ko.
"Hey? Are you okay? Shit namumutla ka." Dali-dali niyang binuksan yung pinto at dahan-dahan akong pinaupo siya na rin ang nagkabit ng seatbelt ko. Umikot siya at nagmadaling pumasok, pinaharurot niya ang kotse niya.
"Hi-nd-i ak-o ma- kah-inga." Nahihirapan kong sabi. Nahihirapan akong huminga.
"Shit! Malapit na tayo." Sabi niya habang natataranta. Hinang hina na ko, hindi ko alam kung bakit biglang sumakit ang pakiramdam ko.
Binuhat niya agad ako at nagmamadaling pumasok sa hospital, may lumapit sa amin na nurse para tulungan kami.
"What happen?" Tanong sa kanya ng babaeng doctor.
Napasabunot siya ng buhok. "I don't know! Kumain lang kami tapos bigla na lang siyang namutla tsaka nagpantal, hindi rin siya makahinga."
Yun ang huling narinig ko bago tuluyang mawalan ng malay. Pag gising ko nasilaw agad ako sa ilaw, gumala ang mata ko sa lugar may serum ang kamay ko. Nasa Hospital ako, naaalala ko yung nangyari medyo maayos na din ang pakiramdam ko.
"Are you okay?" Napalingon agad ako. Si Darren na mukang nag aalala sakin tumango ako bilang sagot.
"Allergy ka daw sa lettuce." Nakatayo siya at deretsong nakatingin sa akin. "Ba't ka pa nag order ng vegetable salad kung allergy ka dun? Shit akala ko napano ka na." Dugtong niya.
"I didn't know na allergy ako sa lettuce, ngayon ko lang nalaman." Sagot ko.
Bumuntong hininga siya. "Are you sure okay ka na? Walang masakit sayo?" Sunod-sunod na tanong niya.
Tumango ako. "I'm fine now." Tugon ko.
"Pwede ka nang umuwi maya-maya." Sabi niya tumango lang ako bilang sagot.
BINABASA MO ANG
Be With You (Montero Series #1)
RomanceMontero Series #1 Mika Salvador Isang Nbsb.Wala sa isip niya ang pakikipagrelasyon. Sa tahimik na pamumuhay biglang gugulo ng makilala si Darren Montero. Ang Mayabang/Heartthrob sa St.Louis Academy na kanyang pinapasukan. What if paglaruan sila ng t...