Chapter 10 (Goodnight)

6 0 0
                                    

Chapter 10

Goodnight

Pag pasok ko ng bahay naglalaro si kuya Brix at kuya Matt ng video games. Humalik ako sa kanilang dalawa.

"Kumusta ang date? Ikaw ah! Nag sisikreto ka sa'min ah. Isusumbong kita sa kuya mo." Pang aasar ni kuya Brix sakin. Sinamaan ko siya ng tingin.

"I thought nasa gym ka?" Tanong ni kuya Matt.

Tumango ako. "Kanina. Kaso may kumidnap kasi sa'kin." Tamad na sagot ko.

Kumunot ang noo ni kuya Matt. "Kumidnap? Sino?" Tanong niya habang nasa tv ang tingin.

"Si Darren yan panigurado." Lumingon sakin si Kuya Matt sa sinabi ni Kuya Brix.

Pano niya nalaman? Baka sinabi ni Lia. Kahit kailan talaga ang bunganga ng isang yun.

"Si Darren? Close kayo?" Tanong sakin ni Kuya Matt.

Ano ba sasabihin ko? Di ko alam kung close kami or what. Feeling close lang siya kaya naging friends kami.

Nagkibit balikat ako. "Uh maybe?" Di sigurado kong sabi. Tumayo ako para umakyat sa kwarto ko.

"Pa showbiz ka pa kung sumagot baby biik ah! Sumbong kita sa Kuya mo haha." Inirapan ko si kuya Brix.

Kaya ayokong magsabi dito eh kasi sumbungero. Magkapatid talaga sila ni Lia. Si kuya Matt lang talaga ang naiiba sa kanila.

"Darren pala ah." Asar sakin ni Kuya Matt.

What?! Pati ba naman siya?! Ok binabawi ko na yung sinabi ko kanina.

"Sa kanya yung geometry na pinagawa mo sakin no?" Dugtong niya pa.

Nanlaki ang mata ko. Omg! Sinasabi ko na nga ba e!

Nanlaki din ang mata ni kuya Brix. "What?! Bakit?!"

Wala na kainis!

"Kaya pala ang taas ng mo kong na yun dahil ikaw ang gumawa." Siniko niya si Kuya Matt.

"Ginawa ko lang dahil nag patulong si Mika." Sabi ni Kuya Matt sa kanya.

Tiningnan nila kong dalawa.

"Alam ko na yang mga tinginan niyo! Fine!" Padabog akong umupo.

"Natapunan ko kasi ng shake yung coat niya pati assignment niya." Nakahalukipkip ako habang nakatingin sa kanila.

"O tapos?" Tanong ni kuya Brix.

"Saan mo siya nakabangga?" Tanong naman ni Kuya Matt.

"Sa building namin." Sagot ko.

"What?!" Sabay na sabi nila.

Nagulat ako. "Ano ba?! Ba't kayo sumisigaw?!" Inis na sabi ko.

"Dumadamoves ah." Nakangisi kuya Brix habang nakatingin sakin.

Umiling ako bago tumayo. "Napaka issue niyo." Umakyat nako at iniwan sila.

Naligo agad ako pag pasok ko ng kwarto. Naka pajama ako na itim at plain grey t shirt.Nag blower ako saglit. Yung panyo ko na malaki ginawa kong headband. Tinali ko ito kaya may ribbon sa gitna.

Humiga ako sa kama at mag che-check ako ng IG.

Darren_M started following you.

Finollow back ko na rin siya.

Nag send siya agad ng message.

Darren_M: What are you doing?

Ngumiwi ako bago siya nireplayan.

Be With You (Montero Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon