Chapter 35Marupok
Napainom ako ng tubig ng wala sa oras. Hindi ako handa. Ang akala ko ay hindi na kami magkikita. May konting saya sa puso ko pero nangingibabaw pa rin ang lungkot. Umayos ako ng upo sa plastic na upuan dahil papalapit na sila. Kinuha ko ang phone ko para kunwaring hindi sila nakita.
"Miks. Pag-usapan niyo na yung gusto mong idesign. May pupuntahan lang ako saglit. Hindi pa rin dumadating yung bagong materials. Kaya pupuntahan ko na muna. Balik din ako agad." Hinalikan niya ko sa tuktok ng aking ulo bago umalis. Ayoko pa sana siyang paalisin pero kailangan. Napalunok ako ng umupo din si Darren sa harap ko. Inilapag niya muna yung bag niya bago ako tiningnan.
May nilabas siya na portfolio bago ibigay sakin. Tinanggap ko naman ito bago buksan. Mga design ito mula sa pader, mapa tiles, mapa pinto, bintana at kung ano ano pa. Halos lahat sila ay magaganda.
Una kong tiningnan kung anong i de-design sa labas. Malaking bintana ang ipapagawa ko. Salamin din ang pinto. Sa taas kasi ay puro mga clothes ang nandun. Bali sa baba ay office ko tsaka fitting room at iba pa.
Itinuro ko sa kaniya kung ano yung mga nagustuhan ko.
"Kelan ako makakabili?" Tanong ko sa kaniya. Pilit kong nilabanan ang tingin niya.
"Depende po sa inyo Maam." Magalang na sabi niya. Napalunok ako sa boses niya na lalong lumalim. Ibang iba na ang boses niya ngayon kesa dati. Mas naging manly.
"I'm gonna set my schedule. I call you if I have a time. Can I get your number?" Inilahad ko ang kamay ko pero wala siyang inabot na calling card.
"I didn't change my number." Seryosong sabi niya.
Napalunok ulit ako bago alisin ang kamay ko. "I change my sim card. Nevermind, kukunin ko na lang kay Kuya Brix. I have to go. I have a meeting." Isinukbit ko ang shoulder bag ko bago siya talikuran.
Tuluyan akong napapikit dahil sa kaba. He didn't change his number? Ang totoo ay nasa akin pa rin ang number niya. Pero hindi ko na inisip dahil sa pag aakalang nagpalit siya ng numero. Naalala ko na wala nga pala akong dalang kotse. Kaya nag grab na lang ako mapuntang starbucks sa quezon city dahil dun ang meeting place.
Pag dating ko ay kumpleto na sila. Nandun na din si Anne, secretary ko. Naka shades ako dahil baka may makilala sakin ay dumugin ako. Naging instant artista na ko dahil sa mga designs ko na sumikat din. Bigatin lagi ang costumer ko. Karamihan ay artista at models.
"Maam change location po tayo para sa event." Bungad agad sakin ni Anne.
Tinanggal ko ang shades ko bago sila tingnan.
"What do you mean by change location? May problema ba?" Takang tanong ko bago sumenyas ng isang waitress.
"Anong gusto niyo? My treat." Ani ko.
"Okay lang po kami Maam." Nahihiyang sabi ni Akira.
Ngumisi ako. "Ano ba kayo! Sige na nahiya pa kayo."
Nag order na ko kahit ayaw nila. Nang umalis ang waitress ay tumingin ulit ako sa kanila.
"Nagbago po ng location yung director ng event. Dahil may nagpa reserve na po nung island." Ani Anne.
Kumunot ang noo ko. Bakit pina reserve? Sayang naman dahil maganda ang island na yun.
"Wag po sana kayong magalit Maam Mika. Pero sa Fortune Island na po gaganapin yung event." Sambit ni Lalaine.
Fortune? Island? Bakit doon pa? Wala naman akong magagawa dahil maganda naman talaga ang fortune. Kaso ay puro memories namin ni Darren together ang nandoon.
"Kung gusto niyo po ay sabihan ko si Direc-"
"Hindi na. Okay na yun." Pag pigil ko kay Tina.
"Kelan sisimulan?" Tanong ko.
Hindi muna sila sumagot dahil dumating na ang inorder ko for them. Nang umalis yung waitress ay tsaka sumagot si Akira.
"By next month na po Maam Mika. Ito na po yung mga designs na pinagawa niyo para sa mga models." Ibinigay niya sa akin yung folder. "
Binuklat ko ito para tingnan. Pina print niya na lahat ng inis scratch ko. Nginitian ko siya bago ilapag ang folder.
"Tawagan niyo na lang ako if ever may update. Papuntahin niyo rin sa akin lahat ng models para masukatan sila." Ani ko bago tumayo.
"See you Maam." Sabi nila. Kinawayan ko lang sila bago lumabas ng starbucks.
Nag grab lang ako papunta sa unit ko. Nasa 3rd floor ang unit ko kaya pumikit muna ako habang nasa elevator. Napagod ako ngayong araw na to kahit tumambay lang ako doon. Magiging busy na naman ako ulit.
Napadilat ako ng tumunog ang elevator. Napa ayos ako ng tayo ng makita si Darren sa tabi ko. Anong ginagawa niya dito?
Hindi ako nagsalita. Kinakabahan ko ng husto. Na sana ay makarating na akong 3rd floor.
"Can we meet tomorrow?"
Napalingon agad ako sa kaniya. Yayain ba niya ko ng date? Well kung ganon ay hindi ako papayag.
"Is that a date? If you want to date me, I'm sorry, I'm really busy." Ngumiti ako sa kaniya.
Hindi ako marupok no! Kung yan ang akala niya. Pero kung pipilitin niya ko..... then why not? hehe charot lang.
Tumawa siya kaya kumunot ang noo ko. "I'm not asking you a date. Ipapakita ko lang sayo yung final design ko sa shop mo. Labas at loob na yun."
Nakagat ko ng sobra ang labi ko. Shit! Bakit hindi ko ba naisip na siya pala ang architect? Nakakahiya!
Pilit akong tumawa. "Yeah right! Pina practice ko lang kasi kung pano magpakipot sa lalaki pag niyaya niya akong mag date. Effective ba?" Palusot na sabi ko. Yun na lang ang naiisip ko para hindi mapahiya kahit napahiya na ko. Gosh!
Bigla siyang sumeryeso. "Your boyfriend?" Nakataas na kilay na sabi niya.
Tiningnan ko siya dahil mukha siyang nag seselos. Pero imposible dahil sila na ni Razel. Sila pa ba ngayon? Pero wala akong pake.
"Uhh, no? Suitor." Pagsisinungaling ko.
Umiwas siya ng tingin. Umiwas din ako ng makitang umigting ang panga niya. Natigil lang ako ng bumukas ang elevator.
Hindi ko na siya pinansin. Lumabas na ko ng elevator dahil sa kahihiyan. Napahinto lang ako ng may biglang tumawag.
"Hello?" Ani ko habang papasok sa unit.
[Save my number. Tomorrow 8 AM.]
hindi na ko nakasagot dahil binabaan niya na ko ng telepono. Hindi ko maintindihan dahil napangiti ako habang papasok sa aking kwarto.
HINDI AKO MARUPOOOOOK!
BINABASA MO ANG
Be With You (Montero Series #1)
RomanceMontero Series #1 Mika Salvador Isang Nbsb.Wala sa isip niya ang pakikipagrelasyon. Sa tahimik na pamumuhay biglang gugulo ng makilala si Darren Montero. Ang Mayabang/Heartthrob sa St.Louis Academy na kanyang pinapasukan. What if paglaruan sila ng t...