Chapter 2 (First day in St. LA)

34 1 0
                                    


Chapter 2

First day in St. Louis Academy

Nagising ako hindi dahil sa alarm, nagising ako dahil sa punyetang bunganga nitong si Lia.

"Gumising kana!!! Anong oras na iday! nakahilata kapa diyan." sigaw niya habang nagbo-blower ng buhok.

"Bakit ginagamit mo blower ko?nasan yung sayo?" iritang tanong ko sa kanya.

Ngumiti siya sa'kin "hehe! pagamit lang sama naman neto." inirapan ko lang siya.

Tiningnan ko yung cellphone ko para i-check yung oras.

6:15 palang ng umaga kung makagising parang late na kami letse! tumayo ako at dumiretso sa cr para maligo. First day of school na kasi.

Pag labas ko ng banyo wala na si Lia. Nakita ko yung uniform ko na nakalatag sa kama, above the knee na palda na color navy blue tapos white na long sleeve polo tapos meron ding necktie at coat na color navy blue. Sa gilid ng coat may logo ng St. Louis Academy, korean style ang peg ng uniform. Yung medyas ko kulay itim na hanggang ilalim lang ng tuhod tapos black shoes.

After kong mag bihis tumingin ako sa salamin at nagpicture haha pinost ko sa ig "first day in st.la" ang caption. Nag cheektint at liptint lang ako, nilugay ko lang din yung maalon kong buhok pagkatapos kinuha ko yung bag ko tsaka ako lumabas.

Pag baba ko kumpleto na silang lahat, humalik ako kay Tita at Tito kay Kuya Brix at Kuya Matt din. Umupo ako sa tabi ni Lia na busy lumamon. Nakaready na rin sila Kuya Brix at Matt sabay-sabay kaming papasok ngayon.

After naming kumain nag paalam na kami kila Tita. Kay Kuya Brix ako sumabay ganun din si Lia. Kasi si Kuya Matt may dadaanan daw muna di niya sinabi kung saan.

Mabilis kaming nakarating ng school. Sa di kalayuan kitang-kita ang pangalan ng school sa itaas ng gate. Halos karamihan sa mga istudyante ay naka kotse. Mga mayayaman kasi ang nag aaral dito kasama nako haha.
Maliban na lang kung scholar ka.

Binaba kami ni Kuya Brix sa building namin, mag kaiba kasi yung building nila kasi 3rd year na siya Engineering ang course niya.

"Bye girls! aral mabuti." sabi niya sa amin bago pinaadar yung kotse niya.

"College na tayo Miks maiistress ako nito myghad!" nakahawak sa sintudong sabi niya.

"First day palang wag kang nega!" binatukan ko siya ng mahina.

"Makabatok! drama lang yon syempre."

Pag pasok namin ng classroom maraming bumati kay Lia na kakilala niya, meron din akong kakilala classmate ko nung highschool.

"Hi Mika, long time no see" bati niya sakin.

Nginitian ko siya "hi! Jaz, musta?" tanong ko.

"Ok lang. Pinsan mo pala si Lia?"

Tumawa ako "Ah oo."

kilala kasi ang pamilyang Montero dito sa Manila. May ari sila ng malaking Mall around the world, meron din silang Company, i don't know kung ano yon di naman ako chismosa no haha.

Umupo kami ni Lia sa may bandang bintana, gusto ko kasi malapit sa bintana.

"Hi! i'm Jensen Jenni for short." pakilala sakin ng beki na nasa kaharap namin na upuan. Nilahad niya sakin yung kamay niya kaya tinanggap ko at nginitian siya.

"Ako naman si Janie." pakilala din sakin ng katabi ni Jenni isa rin beki.

Nagshake hands kami. "Mika."

Be With You (Montero Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon