Chapter 27
Ex Girlfriend
Lunch kami dumating ng manila ni Darren, kumain muna kami bago ako ihatid sa bahay. Pagpasok ko ay si Lia ang naabutan ko na nanonood ng tv. Nang makita niya ko ay tumayo siya at lumapit sakin.
"Girl!! Akala ko ba 3 days kayo? Upo ka!" Hinila niya ko at pinaupo. "Kwento na bili!" Naka indian sit siya habang nakangisi sakin.
"Hindi mo muna ako paliliguin?!" Nakangiwing sabi ko.
"Maliligo ka pa? Mamaya na! I-chika mo muna!" Pagpupumilit niya. "Kasi ako din may chika. Letse ka! Di mo man lang sinabi na kayo na pala!"
Umirap ako, ang daldal. "Kahapon ko lang siya sinagot."
"O' tapos?"
Kwinento ko lahat yung nangyari. Kaya kilig na kilig siya na kulang nalang ay maglumpasay siya.
"Oh my god sanaol!!" Tili niya. "Kasi ako wala pa ring nangyayari." Bigla siyang sumimangot. Hindi ko na tinanong kung bakit dahil alam ko naman na kung sino ang tinutukoy niya.
"Bukas ay balik na sa training. Actually kakauwi ko lang galing training. Sinabi ko na din naman kay coach na may pinuntahan ka, dahil wala ka kanina."
Tumango ako at umakyat para maligo. Naka cycling short lang ako na itim at spaghetti strap na kulay puti. Kinuha ko ang phone ko para i check kung may text si Darren.
From: Darren
Already home. I miss you. :(
Natawa ako, dalawang araw kaming magkasama namiss niya agad ako?
To: Darren
Agad?! Seriously?!
From: Darren
Yes baby. I want to kiss you right now. :*
Napailing na lamang ako. Ang adik naman nito sa halik.
Kinabukasan ay balik training kami. Kasalukuyan kaming nasa kotse ni Kuya Matt dahil hinatid niya kami, bago umuwi sa kanyang condo.
Pagpasok naming girls room ay nilapitan nila ako agad.
"Congrats Mika. Bagay na bagay kayo ni Darren." Bati ni Shanny.
"Yeah I agree. Congrats." Ani Hannah.
At ang iba pa ay bumati. Nang tumingin ako kay Thana ay umiwas siya ulit ng tingin. These past few days ay ilag na siya sakin and I don't why. Nagbihis lang ako bago lumabas. I check my phone kung may text si Darren.
From: Darren
Nandito na ko school baby, training ulit. Puntahan kita diyan later. Ilove you. :*
To: Darren
Me too. I love you too.
Nagsimula na kaming mag training dahil sa monday na ang start ng intrams. Tuesday palang ngayon kaya mahaba pa ang gugugulin namin. Mga mga ilang estudyante na nandito sa school para sa monday. Yung gym namin na to ay inaayos na din para gamitin sa laban. Mamaya ay ibibigay samin ni Coach ang schedule ng laro namin pati ng ibang sports.
Natigil kami sa paglalaro ng may biglang dumating. Kung titingnan ay mas matangkad ako sa kanya ng konti. Maputi siya at mahaba ang buhok. Naka korte ang kanyang mga kilay, matangos ang ilong, ang labi niya ay may pulang lipstick. Payat siya, tsaka maganda ang taste niya pagdating sa fashion. Dahil sa suot niya ngayon ay mukha talaga siyang model.
BINABASA MO ANG
Be With You (Montero Series #1)
RomanceMontero Series #1 Mika Salvador Isang Nbsb.Wala sa isip niya ang pakikipagrelasyon. Sa tahimik na pamumuhay biglang gugulo ng makilala si Darren Montero. Ang Mayabang/Heartthrob sa St.Louis Academy na kanyang pinapasukan. What if paglaruan sila ng t...