Chapter 36
Hinding hindi na
[Hindi ako makakasama mag opening ng shop mo girl. Pupunta kasi kaming tagaytay nun. Aasikasukin namin yung kompanya. Wala kasing katulong si Kuya Matt.] Ani Lia na nasa kabilang linya.
"No it's okay kaya ko naman na yun. Anyway ingat ka diyan." Ibababa ko na sana kaso bigla siyang nagsalita.
[Nagkita na kayo?]
Ano pa bang aasahan ko sa isang to. Kahit hindi ko sabihin ay malalaman niya pa rin.
"Oo." Ni loud speaker ko ang phone ko para marinig ko siya dahil kasalukuyan akong nag aayos dahil magkikita kami ni Darren.
[Pinagalitan ko nga si kuya dahil dun eh! Hindi ko rin alam na siya pala ang architect sa shop mo. Pero goodluck malay mo comeback diba?] Dinig ko pa ang tawa niya.
"Hindi ako marupok para balikan siya. Naka move on na ko no!" Tanggi ko.
Kinuha ko na yung bag ko bago lumabas.
[Okay. May sinabi nga pala siya sakin. Kaso alam kong wala ka naman nang pake dahil naka move on ka na diba? Sige bye na.]
"Teka lang!" Sigaw ko.
[Bakit ka sumisigaw? Ang sakit sa tenga!] Sigaw niya din.
"Anong...... sinabi niya?" Tanong ko.
Bigla siyang tumawa ng malakas kaya napairap ako. [Hindi pala marupok ah! Wala joke lang yun. Sige na bye na. I love you girl.]
Pinatay ko na ang tawag dahil sa inis ko sa kaniya. Baka may sinabi ata yun. Pero ano naman yun?
Eh ano bang pake ko? Naka move on na ko. Sure na to!
Pagbukas ng elevator ay napa atras ako ng makita siya sa loob. Tumayo ako ng maayos bago pumasok. Hindi ko siya pinansin para kunware wala akong nakita. Naka shades naman ako kaya pwedeng hindi ko rin siya nakita diba? Kinuha ko ang phone ko para kunware na busy ako. Napapikit ako ng maamoy ang pabango niya na kinaaadikan ko dati.
Hindi rin siya nagsalita kaya napangiwi ako. Hindi man lang niya ko kakamustahin? Like, kamusta tulog ko? Nakatulog ba ko ganon?
Pagbukas ng elevator ay nauna siyang lumabas. Sumama lang kay Razel ay naging ungentelmen na siya?
Deretso lang akong naglakad papuntang kotse ko. Bahala siya diyan. Sasabihin ko sa susunod na kami magkita.
"Ms. Salvador."
Hindi ako lumingon na kunwaring hindi siya narinig. Sumakay ako at iniwan siyang nakatayo.
Habang bumabyahe ako kay may nagtext kaya tiningnan ko.
From:Darren
At my office.
Alam ko ba office niya? Saan naman yun? Ano ako manghuhula?
Pinuntahan ko na lang yung company ni Kuya Brix. Dahil baka doon din ang office niya.
"Excuse me? Nasan dito ang office ni Mr. Darren Montero?" Tanong ko sa babae.
"Oh my god! Maam Mika? The famous fashion designer? I'm your fan po!!"
Ngumiti ako sa babae. Nagpapicture pa siya sa akin bago sabihin sakin kung saan ang office nun. Nakipag picture din sakin yung ibang mga tao dun kaya natagalan ako.
Pagdating 13th floor ay pinagtitinginan ako ng nga workers.
"Mika Salvador. Yung sikat na fashion designer."
BINABASA MO ANG
Be With You (Montero Series #1)
RomanceMontero Series #1 Mika Salvador Isang Nbsb.Wala sa isip niya ang pakikipagrelasyon. Sa tahimik na pamumuhay biglang gugulo ng makilala si Darren Montero. Ang Mayabang/Heartthrob sa St.Louis Academy na kanyang pinapasukan. What if paglaruan sila ng t...