Chapter 17
Friend kiss?
Kinabukasan maaga akong nagising, nag bihis muna ako bago ko gisingin si Lia na tulog pa rin hanggang ngayon.
Tinapik ko yung hita niya. "Lia gising na." Kinusot-kusot niya ang mata niya bago bumangon. Umupo ako sa harap ng salamin para mag ayos, nag cheecktint at liptint ako, nilugay ko lang din ang kulay chestnut brown kong buhok.
"Bakit ang aga mo?" Inaantok na sabi niya.
Tiningnan ko siya sa salamin dahil kita ko siya mula sa kama. "Wala lang gusto ko lang na maaga tayo." Tugon ko.
Tumayo siya at nagpunta sa banyo. Pag labas niya nakatapis lang siya ng tuwalya.
"Bihis lang ako." Aniya, tumango ako bilang sagot.
Pag tapos kong mag ayos kinuha ko ang aking bag bago bumaba. Pag baba ko si Kuya Matt lang ang nakita ko sa mesa. Si manang lil naman ay busy sa pag prepare ng breakfast namin.
"Good morning." Bati ko sabay halik sa pisnge ni kuya Matt. Umupo ako sa harap niya at nagsimulang kumain. Binati ko din si manang ng goodmorning.
"Papasok ka? Okay ka na ba?" Tanong ni kuya Matt.
Tumango ako habang ngumunguya ng tinapay. "Okay na sabi ako! Paulit-ulit kayo!"
Tumawa siya. "Yari kasi kami sa kuya mo pag napano ka dito sa puder namin, alam mo naman yun." Uminom siya ng tubig pagtapos pinunasan niya ang bibig niya.
"Kagabi nagalit siya sakin dahil nagka allergy ka, ako pa sinisi niya tss.. ibang klase." Aniya habang umiiling.
Mas matanda kasi si kuya Lester kesa dito kay kuya Matt. Natawa na lang ako sa sinabi niya. Sabay na bumaba si Lia at si Kuya Brix, humalik si Kuya Brix sa noo ko bago umupo. Humalik din si Lia kay Kuya Matt bago umupo.
Ako ang unang natapos sa kanila, nag toothbrush ako saglit bago bumaba. Umupo ako sa sofa habang iniintay silang matapos na kumain.
May kumatok sa pinto, tatayo na sana ako para buksan pero si manang ang nagbukas kaya nadapo ulit ang tingin ko sa phone ko. Nahagip ng mata ko na may pumasok, naamoy ko agad yung pabango na nakakaadik wait? Tiningnan ko yung pumasok nagulat ako dahil nandito si Darren sa harap ko.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Nakapamulsa siya habang nakatingin sa akin. Bagay na bagay ang uniporme niyang suot, maayos ang buhok at naka black na backpack. Plus yung amoy niyang nakakaadik.
"Sinusundo ka?" Patanong niyang sabi.
Kumunot noo ko. "At bakit?" Mataray kong tanong.
"Because I want to." Seryosing sabi niya.
Umiwas ako ng tingin dahil feeling ko namula ang pisnge ko. Ano bang nangyayari sakin? Tumayo ako para pumunta sa kusina pero lumabas na sila Lia, nagulat sila dahil nandito si Darren.
Umapir si kuya Brix sa kanya. "Oh dude? Anong sadya mo? Si Mika ba?" Tanong niya habang nakangisi ng nakakaloko. Lumapit din sa kanya si kuya Matt at nakipag apir.
Lumapit agad sakin si Lia, siniko niya ko habang nakangisi.
"Napano ka?" Nakangiwi kong tanong.
Nag make face siya bago bumalik sa tabi ni kuya Brix.
"Oo sabay kaming papasok." Ani Darren.
Tiningnan ko siya habang nakataas ang aking kilay. "Ano? Bakit pumayag ba ko?" Masungit kong tanong.
Tumawa si kuya Brix sa sinabi ko. "Choosy ka pa baby biik ah!" Sabi niya.
"Pfft.." tiningnan ko si Darren na nagpipigil ng tawa.
BINABASA MO ANG
Be With You (Montero Series #1)
RomantizmMontero Series #1 Mika Salvador Isang Nbsb.Wala sa isip niya ang pakikipagrelasyon. Sa tahimik na pamumuhay biglang gugulo ng makilala si Darren Montero. Ang Mayabang/Heartthrob sa St.Louis Academy na kanyang pinapasukan. What if paglaruan sila ng t...