Chapter 20 (Sing)

11 0 0
                                    

Flex ko lang to ang cute kasi!! Bagay na bagay sila kila Lia, Mika, Cj, Janie at Jensen

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Flex ko lang to ang cute kasi!! Bagay na bagay sila kila Lia, Mika, Cj, Janie at Jensen. Yung buhok ni Cj hindi ganyan imaginin niyo na lang na hanggang leeg yung haba ng hair niya.

Enjoy reading po. : )

Chapter 20

Sing

Tumakbo agad ako papasok sa loob shit!!!! Feeling ko pulang pula ang mukha ko. Pag pasok ko ay sila kuya Matt at kuya Brix ang nadatnan ko.

"Oh? Ba't hinihingal ka?" Takang tanong ni kuya Matt.

Umiling lang ako bilang sagot. "Musta training?" Tanong naman ni kuya Brix. Umupo muna ko bago sumagot.

"Nakakapagod. Biglain ka ba naman sa paglalaro sinong hindi mapapagod?" Mataray kong sabi.

"Luh attitude mo ah? Tapang mo ah? Laban ka ha?" Panghahamon sakin ni kuya Brix habang itinataas ang manggas ng t-shirt niya. Napailing na lang ako bago umakyat.

Nagpalit lang ako ng pantulog. Naka fluffy smoochee ako na headband na may ribbon sa gitna, kulay pink ito. Naka white ako na pajamas at black na sando. Nag skin care muna ako bago nahiga. Kinuha ko ang phone ko para mag check ng social media. Una kong tiningnan ang IG ko. Nagulat ako dahil 900k na ang followers ko sa IG. Nagpicture ako na nakanguso at minay day ko sa insta. Ng magsawa ako, tumingin ako sa kisame hanggang ngayon ay nandito pa rin sa isip ko yung itsura niya kanina, kahit simple lang yung porma niya ay ang lakas ng dating.

Ba't ko ba siya iniisip? Tumayo ako at kinuha ang aking gitara, nag simula akong mag strum. Napahinto ako sandali ng maamoy ko yung pabango niya, ang lakas ng amoy. Baka siguro yung nasa jacket niya. Umiling ako bago ulit nag strum.

Sa hindi inaasahang

Pagtatagpo ng mga mundo

May minsan lang na nagdugtong

Damang-dama na ang ugong nito

Di pa ba sapat ang sakit at lahat

Na hinding hindi ko ipararanas sayo

Ibininubunyag ka ng iyong mata

Sumisigaw ang pag sinta...

Ba't di papatulan

Ang pagsuyong nagkulang

Tayo'y umaasang

Hilaga't kanlungan

Ikaw ang hantungan

At bilang kanlungan mo

Ako ang sasagip sa'yo

"Nice voice."

"Ay putain- anong ginagawa mo diyan?" Napatayo ako dahil nasa balcony si Darren, nakasandal siya at nakahalukipkip. Binuksan ko ang sliding door para makapasok siya.

Be With You (Montero Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon