Chapter 19
Court
Dalawang linggo na ang nakalipas simula nang umamin sa akin si Darren na gusto niya ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa isip ko na gusto niya ko, puro tanong ang nasa isip ko katulad na lang ng bakit? Bakit ako? Bakit niya ko nagustuhan? Anong nagustuhan niya sakin?
Siya yung taong kinaaayawan ko dahil bukod sa mayabang siya ay masungit din siya, pati ugali niya ay pa weather-weather. Hindi ko alam kung saan siya pinaglihi ng nanay niya at naging ganun ang ugali niya. Hindi mo mapagkakaila na gwapo nga siya talaga pero mayabang naman, malakas ang dating, lapitin din ng mga babae. Sa dinami-dami ng babae sa campus ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ako ang nagustuhan niya. Imagine, ang bilis niya kong nagustuhan samantalang bago pa lang kaming magkakilala. Except nung mga bata kami. Nung bata kami kalaro ko siya dahil magkasama kami nila Lia sa iisang bahay noon. Yung bahay nila ay katabi lang din ng bahay nila Lia. Pero lumipat din kaming states nung ako'y grade school. Nung mga bata kami ay napaka bait niya as in parang anghel na bumaba sa lupa ang ugali niya. Pero ngayon ay hindi ko na maexplain ang ugali niya.
"Breaktime is over, back to practice."
Uminom ako sandali ng tubig bago tumayo. Nasa practice ako ngayon dahil ang sabi ni Dean ay uunahin ang intrams bago ang events dito sa school. Hindi ko alam na bigla na lang kaming pinatawag ni Coach dahil nabago ang date ng intrams, dapat ay sa uunahin ang events bago ang intrams pero pinagpalit nila ng date dahil may mga bigating guest daw na darating kaya pinaghahandaan nila ang event na gagawin dito sa school.
Nagsimula na kaming mag training, kasama din namin ang boys, nasa kabila sila at nag g-guide sa kanila ang coach nila na si Coach Leo na kasing edad ni Coach Leslie. Naka t shirt lang ako na kulay itim at itim din na cycling short. Naganahan akong maglaro dahil namiss bigla ng katawan ko kaya enjoy na enjoy ako habang naglalaro.
Pagtapos naming magtraining ay pinagkumpol muna kami ni Coach dahil may mga sasabihin siya.
"Bukas ay may training ulit 8 am. Excuse na kayong lahat sa klase niyo dahil kailangan nating magtraining. Balita ko ay magagaling ang mga makakalaban natin." Sabi ni Coach habang nakahalukipkip.
"Anong mga school ang makakalaban natin coach?" Tanong ni Lia.
"May mga bago bang school?" Tanong din ni Shanny isa sa mga seniors.
Tumango si Coach. "Oo. Balita ko ay may tatlong bagong school na sasali sa unit meet ngayong taon kaya kailangan nating mag ensayo ng mabuti." Inilagay niya ang dalawa niyang kamay sa kanyang beywang.
"Wag tayong makapampante dahil tayo ang nanalo last year. Kung kaya nating manalo last year, kaya din natin ngayong taon." Aniya.
"Naman! Kayang kaya! Wala ka bang tiwala samin coach?" Ani Lia, kaya napatawa si Coach sa simabi niya.
Dito pala nag senior high itong si Lia, nakitaan siya agad ng galing pagdating sa loob ng court. Kaya siya ang naging Captain ball ng team kesa sa mga Seniors.
Seryoso si Lia pag dating sa court, nakakaya niyang controlin ang mga kateam niya kaya palagi daw sila nananalo simula ng siya ang maging Capitana. Yung dati daw kasing captain ng team ay hindi nila kasundo dahil masungit daw ito at halos ito ang nasusunod kaya minsan ay talo pero minsan ay nanalo din.
May sinabi pa si coach about sa unit meet bago kami pinadismiss. Kinuha ko ang duffel bag ko bago dumeretso sa girls room. Nakakapit si Lia sa braso ko at yung ibang kateam ko ay kasabay naming maglakad papuntang girls room.
"Mika." Napahinto ako at napalingon sa tumawag sakin. Lumapit sa akin si Niel, yung pinakilala sa akin ni Lia nung nag enroll kami.
"Bakit?" Takang tanong ko.
BINABASA MO ANG
Be With You (Montero Series #1)
RomanceMontero Series #1 Mika Salvador Isang Nbsb.Wala sa isip niya ang pakikipagrelasyon. Sa tahimik na pamumuhay biglang gugulo ng makilala si Darren Montero. Ang Mayabang/Heartthrob sa St.Louis Academy na kanyang pinapasukan. What if paglaruan sila ng t...