Chapter 38 (proud)

10 0 0
                                    


Chapter 38

Proud

Halos sumakit ang panga ko sa kakangiti sa nakapalibot na camera. Kasalukuyan ko nang gugupitin ang malaking ribbon na nakaharang sa pintuan. Katabi ko si Mommy tsaka si Kuya Brix. Wala si Lia dahil nasa tagaytay na sila ni Kuya Matt. Naka face time naman sila ngayon ni Kuya Brix kaya parang kasama na rin siya.

Sobrang daming photographer at ibang bigatin na customers. Nagpalakpakan ang lahat ng tuluyan ko nang magupit ang ribbon. Pumasok ako at isa isang nagsipasukan ang tao mula sa labas. Ang dami ding nag congratulate sakin lalo na ang mga kaibigan ko na artista na dumalo din sa opening na ito.

Saya ang naramdaman ko dahil may panibago na naman akong shop. Marami na kong shops pero sa iilang bansa palang. Ngiti ako ngiti sa mga nag co-congratulate sa akin kaya sumasakit na ang panga ko. Nagpa Cater din kami para sa mga bisita. Ang dami ding pumuri ng mga gawa ko. May mga nagpapicture din sa akin sa labas.

Nakita ko si Darren na kausap si Kuya Brix at ang iba pang business man. Na guilty ako bigla sa sinabi ko sa kaniya kahapon. Ni hindi ko man lang na appreciate yung pagtulong niya. Wala kasi ako sa mood dahil sa girlfriend niya. Kahit may konting kirot sa puso ko eh, masaya naman na ako para sa kaniya. Siguro part lang talaga ako ng love story nila. Pero hindi naman ako matatawag na kontrabida dun. Kung titingnan mo siya ay parang ang saya saya niya na sa buhay niya ngayon. Kung hindi ba nangyari yun ay kami pa kaya? Mamahalin niya kaya ako ng totoo? Pero alam ko naman na may rason kung bakit nangyari 'to. Alam kong may better na ibibigay sakin si Lord. Pero mukhang hindi pa ko handang magpapasok muli ng tao sa buhay ko dahil naiisip ko na agad ang ending na what if, masaktan na naman ako? Part naman talaga ng love si pain. Pero parang natatakot ako na magmahal ulit. Yung sigurado na ko sa taong yun tapos biglang iiwan ako.

Natigil lang ako sa pag iisip ng biglang tumunog ang phone ko. Nag exucuse ako sa mga kausap ko bago sinagot ang tawag.

[Congrats! I'm so proud of you."] Masayang sabi ni Denver.

Napangiti naman ako. "Thank you."

[Bigatin ka na! Ngayon lang ako nakatawag dahil sobrang busy. But don't worry uuwi din ako diyan just to be with you.] Halata mo sa tono niya ang saya.

Napabuntong hininga naman ako. Siya yung nandiyan pero bakit iba ang pinipili ng puso ko? Siya yung dumamay sakin nung mga panahon na durog ako. Pero bakit hindi ko masuklian yung nararamdaman niya? Bakit hindi na lang siya? Bakit kung sino pa yung nanakit sakin ay siya pa rin yung pupuwang na warak sa puso ko? Bakit hindi na lang si Denver?

"I can't wait to see you again." Pilit kong pinasaya ang boses ko.

[I love you and I'm so proud of you.] Malambing na sabi niya.

Nalungkot ako bigla dahil hindi ako makasagot. Magsasalita na sana ako ng bigla akong tawagin ni Mommy.

"Hija your tita Sean is here." Nakangiting sabi ni Mommy.

"Wait a second." Tumango si Mommy bago umalis.

"I need to go. Ang daming tao kaya kailangan kong i approach. See you soon bye." Ibinaba ko na ang linya at agarang tumakbo papuntang labas.

Napangiti ako ng makita si Tita Sean na kausap ni Mommy. Nang makita niya ko ay niyakap niya agad ako. Kapatid siya ni Daddy. At isa siya sa pinaka close kong Tita.

"Tita!" Masayang bati ko.

Kumalas siya ng yakap. "Palalagpasin ko ba ito? Syempre ay hindi." Nakangiting sabi niya bago nakipagbeso kay Mommy.

Be With You (Montero Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon